Friday, May 21, 2021

Sunshine Guimary, handang handa na ipakita ang kanyang 'asset' sa bed scene nila ni Ion Perez

0

Kaabang abang ang pinakabagong pelikula ng baguhang aktres na si Sunshine Guimary. Bibida si Sunshine sa isang mapangahas na pelikula na pinamagatang 'Kaka'. 

Sa nasabing pelikula niya makakapareha sina Jerald Napoles at ang kasintahan ni Vice Ganda na si Ion Perez. 

Dahil isa itong S3xy film ahasan na magkakaron ng mapangahas na mga eksena at mga bed scenes si Sunshine Guimary sa kanyang mga leading man.

Sa isang interview na ginanap nitong May 18, inamin ng aktres na walang takip o plaster ang kanilang mga bed scenes. Inamin din niyang kinailangan pa daw niyang uminom ng alak upang lumakas ang kanyang loob na kayanin ang mga maiinit na mga eksena sa harap ng camera.

"Dito sa Kaka, pati sa pwet kita. Yung bed scene, as in total na bed scene na bed scene, yung walang tape o walang takip na ganyan." matapang na pahayag ni Sunshine. 

Hindi naman nilinaw ni Sunshine kung sino sa kanyang dalawang leading man ang kapartner niya sa eksenang iyon.

Sinabi ng aktres na naintindihan naman niya kung gaano kapusok ang role na pinasok nya  sa pelikulang Kaka. Gayunpaman, hindi umano niya mapigilang mag alala dahil baka may mga menor de edad na makanood ng kanyang pelikula. Sinabi ni Sunshine na "malala" talaga ang mapapanood nila.

Nagbigay ng payo ang aktres sa mga kabataan na magnanais manuod ng kanilang pelikula na hanggat maari ay iwasan ang panonood ng 'Kaka' dahil nakakagulat at sobrang mapangahas ang mga bed scenes na ginawa nila.

"May worry lang ako sa part na ano... alam mo yun yung mga bata. Kasi lahat ng mga bata, alam na nila ang galawan ng ano, di ba?. Yung below 18 advise ko lang, ha? Baka magkasala pa ako sa advise na to." Saad ng aktres

"Basta iwas iwas na lang sa mga bata, yun lang siguro. Kasi nung napanood ko, dyusko! Malala siya talaga!" dagdag pa nito


Narito ang kapanapanabik na trailer ng Kaka.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment