Thursday, May 20, 2021

Jake Zyrus galit na galit at napamura pa dahil sa mga nakakamiss kay Charice!

0


 Hindi na napigilan ni Jake Zyrus ang kanyang sarili sa sobrang galit at napamura pa ito ng mabasa niya ang mga komento ng mga netizens.


Ito ay matapos siyang ikumpara sa kanyang dating katauhan na si Charice Pempengco.


Naglabasa ng bagong awitin itong si Jake na may pamagat na 'Fix Me.'


Marami parin sa kanyang mga taga suporta mula noon hanggang ngayon agng suportado parin ang singer at masaya sa lanadas na kanyang tinatahak.


Ngunit may iilan parin talaga na hindi maiwasang manghinayang sa dati niyang katauhan.

Hindi maipagkakaila  ang talento ni Charice noon na nagpahang tlaga sa buong mundo. Kung kaya ganoon na lamang ang pangungulila ng iba sa kanya.


Ngunit hindi ito ikinatuwa ni Jake Zyrus.


Galit na sinabi ni Jake na “I don’t care if you want to listen to my Charice songs all d4mn day or if you hear my Charice voice in my falsettos, because of course you d$mba$$ MF, boses ko pa rin ‘yon. Nag-transition lang,”


Paliwanag pa ni Jake na ayus lang daw kung mapansin parin nila ang boses ni Charice sa boses niya ngayon sa kanyag mga awitin, ngunit ang hindi raw ni nagustuhan ay ipagdiinan sa kanya at ipamukha na babalik na ang dating Charice dahil sa boses niya.



“Feeling alam ang sinasabi. Patalino effect. Entitled.”


Sinabi pa ni Jake na tiniis lang daw nya ang mga interviews sa kanya noon tungkol sa kanyang kasarian. Nagawa raw niya ito upalng 'ma-please' ang mga tao at hindi maging problematic ang kalabasan ng interview.


 “Never again. Ilang beses na akong na-offend na hindi ako nagsasalita. Last na ‘to. Tutal ke public or sa family or sa mga ex-friends ko eh mayabang at masama ang ugali ko, so be it,” dagdag pa niya.



Sa huli ay sinabi naman ni Jake na malaki ang respeto nya sa mga taong nirerespeto ang kanyang nakaraan at ang kayang kasalukuyan.

Narito ang video.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment