Sabi nga nila ang kalusugan ang pinakamahalagang kayamanan ng isang tao. Ngunit sa panahon ngayon hindi lang dapat pisikal na katawan ang dapat nating pangalagaan, kundi pati ang ating mental health.
Sa panahon ngayon, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang mental health problems. Kahit gaano ka kayaman, kalusog o kasaya ay maari ka paring makaranas ng anxiety, depression at iba pa na hindi basta basta maiintindihan ng mga tao.
Nitong mga nakaraang araw lamang ay nagbahagi ang sikat na social media personality na si Sachzna Laparan ng kanyang matinding pinagdaraanan ngayon.
Makikita sa mga vlogs ni Sachzna na masaya siya sa kanyang buhay ngunit sa kabila pala nito ay may nakakubling kalungkutan. Nitong March 31 lamang ay ibinahagi niya sa kanyang Youtube channel ang isang maikling video ng kanyang pinagdaanan nitong mga nakaraang mga buwan.
“Mental health is not a joke, anxiety is real, depression is real. Its okay to seek HELP and ask for HELP if you need it. There are things that we can fix it by ourselves and there are things that we need HELP to fixt it. Asking for HELP doesn’t make you less as a person, It doesn’t make you anyless of whoever you are,” Saad ni Sachzna sa Facebook.
Sinabi rin ng dalaga na sobrang halaga na humingi ng tulong o suporta sa mga taong nakapaligid sayo upang malagpasan ang pagsubok na ito.
“Big shout out to anyone who currently fighting their own silent battles, Hang on! God won’t put you in that situation if you can’t handle it. You are a fighter, You are loved and Remember stop looking for Happiness, Start creating it. Make it happen. Praying for your peace of mind and healing. Sending so much love and virtual hug! You got this!”
Narito ang video
Source: The Philippine Times









