Thursday, April 22, 2021

Mga babaeng namakyaw sa Community Pantry balak kasuhan ang kumuha sa kanila ng video at magpa Tulfo!

0

Dahil sa pandemya, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng kabuhayan, kung kaya't hindi nila alam kung paano at kung saan makakakuha ng makakain sa araw- araw.

Pagsubok na maituturing ang bawat araw na hindi mo alam kung may makakain pa ang iyong pamilya dahil sa unos na pinagdaraanan ng ating mundo ngayon.

Ngunit kahit na nasa gitna ng krisis, marami parin talaga sa ating mga kababyan ang may ginintuang puso. Mas pinili nilang tumulong at magserbisyo ng walang hinihintay na kapalit.

Bayaning maituturing ang ganitong mga tao sapagkat labis ang naitutulong nila para sa pang araw araw ng isang pamilya.

Ngayon nga ay nauuso ang tinatawag na 'Community Pantry' na kung saan ay libreng makukuha ang mga pagkain na nakalagay sa isang lugar. Walang nakabantay rito sa pag asang ang tanging kukuha lamang dito ay ang mga nangangailangan at ang sapat lang na pagkain ang kukunin ng sino mang kumuha rito.


Nagsimula ang ganitong bayanihan sa Maginhawa street sa Quezon City. Dahil sa ganda ng hangarin ng ganitong gawain mabilis itong kumalat sa buong bansa at marami ang gumaya rito.

Ngunit nakakalungkot lang na may mga taong sadyang mapagsamantalaga at mapang abuso. Dahil imbis na kumuha lang ng sapat para sa kanilang pagkain ay nilimas.



Nagtrending ang isang group ng mga babae kailan lang ng limasin ng mga ito ang isang community pantry sa Kapitolyo Pasig.

Habang nililimas ng grupo ng kababaihan ang nasabing community pantry ay navideohan naman ito ng tricycle driver na nakaparada sa tapat nito.


Kaagad naman nai-upload at nagtrending ang video. Marami ang nagalit sa grupo ng kababaihan dahil nilimas ng mga ito ang lahat ng laman ng nasabing pantry. 



Si Maricar Adriano ay isa sa mga babaeng namakyaw sa Kapitolyo community pantry. Nakuhanan siyang bitbit ang dalawang tray ng itlog at isa sa pinaka nabash sa kanilang lahat.



Sa isang interview sinabi ni Maricar na hindi nila sinarili ang kanilang kinuha bagkus at ibinahagi nila ito sa kanilang mga kapitbahay.



Ngunit marami ang hindi na niwala at nagpatuloy parin ang pagtanggap nila ng hindi magagandang komento mula sa mga tao.  Hindi rin daw sila makalabas ng bahay dahil marami ang tumatawag sa kanila ng magnanakaw at makakapal umano ang kanilang mga mukha. Dagdag pa rito ay nakakatanggap rin umano sila ng mga de4threats. 


Maging ang pag oonline selling ni Maricar ay na apektuhan narin dahil sa bashing na kanyang natatanggap.


Dahil dito ay balak daw nilang magsampa ng reklamong cyber libel sa kumuha sa kanila ng video. Upang mapanagot ito dahil sa kahihiyang sinapit nilang magkakaibigan.



Nais rin nilang humingi ng tulong kay Raffy Tulfo upang mawala na umano ang mga banta sa kanilang mga buhay at matigil na ang pangbabash umano sa kanila dahil pati ang kanilang mga anak ata asawa ay apektado na umano ng nangyayari.


Sa ngayon ay hinihintay pa ang magiging sagot ni Idol Raffy ukol dito.

Narito ang video.

 

Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment