Ang panliligaw ay isa sa mga pagsubok ng isang lalaki kapag sila ay may natitipuhang babae. Nariyang bibigyan mo siya ng bulaklak chocolate o mga sweet na love letters. Kailangan ay ipakita mo sakanya na pursigido ka at kaya mo syang paghirapan.
Ganito ang ipinakita ng isang lalaki sa kanyang nililigawang magandang babae. Ngunit sa kasamaang palad ay tila hindi siya kayang gustuhin ng babaeng nililigawan dahil sa katayuan niya sa buhay.
Ang lalaki ay nagngangalang Echo. Kwento niya limang buwan umano niyang niligawan ang babae at masasabi niyang ito ang kanyang "dream girl."
Sa loob ng limang buwan na iyon ay tanging si Echo lamang ang bumubuhay ng kanilang usapan. Sabi pa niya ay tila isang tanong isang sagot ang babae.
Ayaw raw ni Echo na magkwento ng kanyang buhay dahil tila wala naman interes ang babae dahil hindi naman ito nagtatanong. Ngunit dahil nanliligaw pa laang siya ay tinanggap ito ng binata.
Nagbibigay pa si Echo ng “handwritten letter with a single rose every Sunday (which is my day-off).”
Matapos umano ang limang buwan ng kanyang panunuyo ay nakaramdam na raw siya na tila nagkakaroon na ng interes sa kanyan ang babae.
Saad niya, “Tinatanong na din niya ko if kumain na ‘ko and pinagbabawalan na din ako magpuyat kaka-ML.”
Dahil dito ay nagkaron na umano siya ng lakas ng loob upang yayain ang dalaga sa labas upang kumain. Tuwang tuwa si Echo ng pumayag ang kanyang niligawan.
Sa kanilang unang date ay bumili si Echo ng bouquet of flowers at dinala rin niya ito sa mamahaling restaurant.
“Dumating na nga yung araw ng first date namin, that was the very first time na bumili ako ng bouquet of flowers. Dinala ko siya sa isang mamahaling restaurant na kahit mamahalin, pinag-ipunan ko talaga para sa kanya kasi dun siya nasanay.“
Naging masaya raw ang kanilang date at ang buong akala niya at magtutuloy-tuloy na ito. Ngunit pag-uwi niya ay nakatanggap siya ng mensahe mula sa nililigawan.
“Echo, thank you for this day nag-enjoy ako. But I think this will be our first and last date. Alam mo naman siguro na balak ko mag-law. I think makakasira yun ng image ko if yung partner ko is crew lang ng isang fast food chain. I’m very very sorry Echo.”
Basahin ang buong kwento ni Echo sa ibaba:
“Hi, I just want to share my experience as a suitor of my dream girl.
Nanligaw ako sakanya for almost 5 months. Nasanay ako na ako lagi ang nagtatanong about her and bumubuhay ng conversations namin everyday. Minsan lang ako magshare ng about sa life ko. Because aside from she’s not asking, I don’t feel like she’s interested with my dramas in life or anything about me. Pero okay lang, I’m not demanding naman and I understand manliligaw lang naman niya ako. For the past 5 months, di ko masasabi na nasa Mutual Understanding stage na kami. I’m not complaining ha, I’m just stating the fact. Ako lang kasi tong concern palagi and siya naman nagrereply lang sa mga questions ko at tinatanggap yung binibigay kong handwritten letter with a single rose every Sunday (which is my day-off).
But after 5 months, nakaramdam na ko na she’s interested with me na. Tinatanong na din niya ko if kumain na ‘ko and pinagbabawalan na din ako magpuyat kaka-ML. I find it so cute and kinikilig ako. Finally, nagkaroon na ako ng lakas ng loob para yayain siya lumabas and guess what? Pinagbigyan niya ako! Ganito pala yung feeling ng first date, excited and kabado at the same time puppy love lang kasi naexperience ko dati.
Dumating na nga yung araw ng first date namin, that was the very first time na bumili ako ng bouquet of flowers. Dinala ko siya sa isang mamahaling restaurant na kahit mamahalin, pinag-ipunan ko talaga para sakanya kasi dun siya nasanay. Nagkwentuhan kami, tawanan, getting to know each other. Akala ko magtutuloy-tuloy na yun, hanggang sa makauwi ako ng bahay. Naexcite ako nung biglang nagpop-up yung name, I didn’t expect her message.
“Echo, thank you for this day nag-enjoy ako. But I think this will be our first and last date. Alam mo naman siguro na balak ko mag-law. I think makakasira yun ng image ko if yung partner ko is crew lang ng isang fast food chain. I’m very very sorry Echo.”
Narito naman ang reaskyon ng mga netizens.
Source: The Philippine Times