Kilala si Angel Locsin sa wala nitong sawang pagtulong sa ating mga kababayan. Kung saan may sakuna naroon ang aktres at aktibong tumutulong upang mas mapabuti ang kalagayan ng ating mga mamamayan na hindi maganda ang kalagayan.
Mapaharap o likod ng kamera masasabi nating si Angel ay isang superhero. Matatandaang nong nagkaroon ng bagyong Ondoy at napinsala ang marami sa ating mga kababayan ay walang pagdadalawang isip ang aktres na tumulong at magbigay ng makakain para sa mga nasalanta ng bagyo.
Nang natapos ag labanan sa Marawi ay isa sya sa mga nanguna at personal na pumunta upang maghatid ng tulong sa ating mga kababayan doon. Isa rin sya sa mga kumilos upang magpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng Taal Volcano at nagbigay ng donasyon para sa mga naapektuhan ng pandemya.
Talagang hindi matatawaran ang kabusilakan ng puso ni Angel kung kaya't habang pandemya ay hindi siya tumigil maghanap ng paraan upang kahit papaano ay makatulong sa kanyang maliit na paraan.
Noong April 23, 2021 ay naglunsad si Angel ng isang community pantry sa isang Barangay sa Quezon City. Ito ay bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Naging inspirasyon nito ang inilusad na community pantry ni Anna Patricia Non sa Maginhawa St. sa Diliman Quezon City.
Nais ni Angel na makapagbigay ng konting kasiyahan para sa residente ng Barangay.
Nagimbita pa ang aktres gamit ang kanyang social media accounts sa mga tao upang puntahan ang naturang community pantry.
Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay dinumog ng mga tao ang nasabing pantry. Ayon sa balita mahigit sampung libo (10,000) na katao ang pumunta sa lugar. Ang ilan ay para kumuha ng mga makakain at ilan naman mga fans ni Angel na ang nais lamag umano ay makapagpapicture sa aktres.
Dahil sa init ng panahon at sa dami ng taong dumayo sa community pantry, hindi naiwasang magkasiksikan at mag init ang ulo ng mga pumunta doon. Marami ang nagalit dahil narin hindi sila nagbigyan ng kahit ano mula sa pantry.
Isang sakuna pa ang hindi inaasahan ang nangyari ng ang isang matanda ay binawian ng buhay habang nakapila sa birthday pantry.
Kaagad namang tumugong si Angel Locsin at sinabing habang buhay siyang hihingi ng tawad sa mg naulila ng matanda. Maging ang hospital bills at pagpapalibing sa matanda ay sinagot ng aktres.
Naging mainit na usap-usapan ang nangyaring ito. Marami ang pumuna at marami rin ang humanga sa pagiging matulungin at responsable ni Angel sa nangyari.
Ngunit tila hindi natuwa ang mga local na opisyal ng lugar. Laman ng balita na nag hahanda ang lokal na pamahalaan lalong lalo na ang Barangay captain na kasuhan ang superstar dahil sa pangyayaring ito.
Sinabi nila na para sa 300 katao ang daw ang inihanda ng kampo nila Angel kung kaya't dapat daw ay nung dumami na ang mga tao ay pinauwi na nila agad ito.
"Sang ayon sa batas ako ay naniniwala na dapat lang siyang makasuhan"
Sa ngayon ay iniintay pa ang response ni Angel Locsin tungkol sa bantang ito sa kanya.
Source: The Philippine Times













