Sunday, April 11, 2021

Isang matanda, nagmakaawa na makasakay ng jeep dahil pinalayas at sinasaktan ng kanyang anak.

0

Tinanggihan ng driver ng isang pampasaherong jeep ang isang matanda na sumakay dahil ipinagbabawal ang paglabas ng mga sebior sa panahaon ngayon. Ito ang ibinahagi ng isang concern citizen sa kanyang social media account.



Ngunit mapilit umano ang matanda at sumakay parin ito sa pampasaherong jeep. Gusto daw nitong umuwi sa isa pa nyang anak. "Uuwi ako sa anak ko kasi pinalayas ako nung isa kong anak, pinalo-palo pa ako ng tungkod ko," Sabi ng mantanda.

Pahayag ng netizen na nagpost na si Chris Asuncion, hindi umano siya perpektong anak dahil minsan ay nasasagot rin niya ang kanyang magulang ngunit masasabi raw niyang hindi nya magagawa sa kanyang magulang ang saktan ang mga ito.


"Nakasabay ko lang siya sa Sasakyan then ayaw pa sana siya pasakayin ng Driver kasi daw matanda, pero nung tinanong ko po si lolo sabi niya "UUWI AKO SA ANAK KO NA ISA KASI PINALAYAS AKO NG ISANG ANAK KO NA ISA AT PINALO PALO NIYA AKO NG TUNGKOD KO"

Di po ako nagmamalinis kasi di po ako ganoong kabuting anak pero never ko po sinaktan inshort diko po kayang paluin o anuhin ang magulang ko, Lumalaban ako sakanila pero sa salita lang diko naman kayang saktan sila physical." Saad ni Chris.



Hindi na napigilang mapaluha ng nagmamalasakit na si Chris sa kanyang nalaman at nakita at hindi nya lubos maisip na may mga tao palang gumagawa ng ganoon sa kanilang magulang.

"Always remember guys dont hurt your parents especially in Physical kasi without them your not here," Saad niya.

Payo ni Chris sa mga anak na kagay niya ay dapat mahalin ang ating mga magulang at huwag na huwag silang sasaktan ano man ang problemang pinagdaraanan.

"Marami man tayong problema lalo na sa panahon ngayon, hindi ito sapat na dahilan para manakit ng kapwa higit sa lahat ng magulang." dagdag pa ni Chris.

Sinabi din niyang kahit maraming problema ang dumarating lalo na sa panahon ngayon, hindi ito sapat para manakit ng kapwa lalo na kung magulang mo pa.



"Ikaw na anak maski anong ginawa sayo ng magulang mo wag na wag kang lumaban physicaly, matanda na yang tatay mo dika man lang naawa dimo naisip na nung bata kapa binihisan ka niyan all though ipagpalagay natin na dati grabe pinagdaanan mo sa kaniya pero di yun rason para ibalik mo sa kaniya ang ginawa niya sayo kasi Parents is Parents tapos ang sobrang sakit pa kahit Tsinelas wala siya kasi pinapalayas mo siya, dika man lang marunong tumanaw ng utang na loob.

Oo madami tayo pinagdadaanan lalo sa ganitong mga sitwasyon... Pero ndi nman tama na, manakit ka ng kapwa lalo na ng magulang mo...." ayon pa kay Chris

"Ndi lng ikaw ang may pinagdadaanan.. Ndi lng ikaw ang may mabigat na pinapasan..

Ndi lng ikaw ang naghihirap... Halos lahat ngaun problemado sa pagkain palng sa araw araw... Sa pangbayad sa ilaw at kuryente... Sa pangbayad ng inuupahang bhay... Sa pagtitiyaga makapasok sa trabaho kahit na ndi safe matustusn lng ang pangangailangan ng pamilya... Kaya ikaw na mapanskit sa magulang tandaan mo ndi cla habambuhay nasa tabi mo.... At tulad nla.. Tatanda ka din at marerealize mo lahat ng mga pinaggagagawa mo sa kanila.... Habang may pagkakataon pa himingi ka ng paumanhin at tawad sa kanila...." dagdag din niya.

Narito ang kabuuan ng kanyang post.


Marami sa mga netizen ang nagalit sa nangyari at naawa sa matanda. Narito ang ilan sa kanilang  mga reaksyon.






Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment