Kuya kim mabilis na pinuna ang isang online shopping app dahil sa paggamit nito ng larawan na hindi tama at kaaya aya lalo na sa mga kabataan.
Sa panahon ngayon, usong uso ang mga online shopping app dahil narin sa ginhawang dulot nito sa mga tao.
Hindi mo na kailangan pang lumabas at pumunta sa mall upang bilhin ang nais mo dahil isang tingin lamang sa mga app na ito ay makikita na ang mga nais at kailangan mong bilhin.
Nariyan na ang pagkain, inumin, panlinis ng bahay damit at kung anu-ano pang maaring magamit sa bahay.
Minsan may mabibili ka rin na tila ba hindi normal na makikita sa isang online shopping app.
Tulad na lamang ng napansing ito ni Kuya Kim Atienza.
Kilala si Kuya Kim bilang isang matalino at punong puno ng kalaaman na tao. Kung kaya't hindi na nakakapagtaka kung bakit niya napuna ang isang Advertisment ng isang online shop na nakita niya habang siya ay nagba-browse sa kanyang Facebook account.
Napansin ng reporter ang isang advertisement ng online shopping app na Lazada.
Makikita sa Advertisemnt na ito na may natutulog na babae at hindi tama ang pagkakapwesto nito dahil bahagyang makikita ang pribadong parte ng kanyang katawan.
Source: The Philippine Times