Tila dinurog ang mga puso ng mga taong nakasaksi sa hirap at buhay na pinagadadaanan ng isang lola sa Bauang, La Union.
Sa isang post ng netizen na si Khay Pccaster, sinabi nito kung ano ang hirap na pinagdaraana ng matanda na kanyang nasaksihan. Naghihirap at nagsususmikap umano ang matanda upang buhayin ang anak na may kapansanan at isang apo.
Ayon sa kwento ni Khaye pauwi na umano siya galing ng trabaho ng makita nila ng kanyang kaibigan ang matandang babae na naglalakad sa highway na maya dala dalang mga plastik na bote at unan na sira sira. Sa sobrang habag nila sa matada ay pinasakay nila ito sa kanilang sasakyan upang ihatid ito sa kanyang pupuntahan.
Kinausap nila ang matanda at tinanong kung saan ito pupunta. Dito na nila nalaman na binebenta pala nito ang sira sirang unan na kanyang dala dala upang may maipambiling pagkain sa kanyang pamilya.
Nagdesisyon sila Khaye na ipamili ng pagkain si lola tulad ng mga de lata at tinapay at inihatid sa kanilang tahanan.
Dito nila nalaman na malimit daw talagang magbenta ng kung ano ano ang matanda upang may maipang bili ng kanilang pagkain. Nag ambagan sila Khaye at kanyang mga kasama upang kahit papaano ay maibgay sila sa matanda.
Mas lalo pang naawa si Khaye at kanyang mga kasama ng makita nila ang lugar na tinatahak ng matanda makauwi lamang ng kanilang tahanan.
“Biglang tulo luha nalang ng marating namin dahil sa nakita naming way kung saan sya naglalakad at nakita namin na ung anak nya na nasa edad 50+ ay may kapansanan at nakahiga lang sa mismong sahig (lupa) ksama ang apo nyang binata nag aayos naman ng mga basurang nakalkal nia siguro,” kwento ni Khaye.
Narito ang buong post ni Khaye:
“Para Maiparating sa kinauukulan
HINDI AKO/KAMI MAYAMAN PARA MABIGAY NAMIN ANG PANGANGAILANGAN NILA PERO SA WAY NA ITO UMAASA AKONG MARAMING MABUTING KALOOBAN ANG TUTULONG SA KANILA
#DAKILANG LOLA NG BAUANG LA UNION"
Source: The Philippine Times








