Hindi na napigilan ng actress vlogger na si Jelai Andres ang kanyang galit ng madiskubre ang bagong pinagkakaabalahan ng asawang si Jon Gutierez o mas kilala sa tawag na King badger.
Kamakailan lamang sa di inaasahang pagkakataon nasasangkot nanaman sa isang isyu ang tambalang Jolai.
Bumaha ng samu't saring mensahe ang Twitter account ng vlogger-actress na si Jelai Andres at ibinunyag nito na matindi ang pinagdadaanan nila ng kanyang asawang si Jon Gutierez. Nahuli ni Jelai ang Ex-Batallion member na si na mayroong bagong babaeng kinakasama.Ang pinakamasakit dito ay hindi lamang ito ang unang beses na nahuli niya si King Badger na nambabae.
Matatandaang matapos ikasal ang dalawa noong October 2018 ay napabalita at naging trending ang unang beses na pambabae ni Jon at ito ang dahil ng kanilang paghihiwalay noon.
Ayon sa mga posts ni Jelai sa kanyang official Facebook at Twitter accounts, mayroon umanong batang kinakasama ang kanyang asawa.
Nalaman rin nito na noong July pa nagsimula ang relasyon ni Jon sa babae, sa matagal na panahon ay ito sa kanyang ni Jon. Bukod sa pambababae nito ay binilhan pa niya ang kanyang babae ng iPhone at sarili nitong condo.
Sinubukan pa ni Jelai na i-message ang babae upang hanapin ang kanyang asawang si Jon, ngunit ito pa umano ang malakas ang loob upang awayin siya.
Dahil dito ay napilitan na si Jelai na ibunyag sa Facebook post ang panl0lokong ginagawa ng dalawa. Sa kabila nito, hindi naman pinangalanan ni Jelai kung sino nga ba ang babae ni Jon.

Sa Facebook, nagpasaring naman si Jon tungkol sa pamilya ni Jelai. Ayon kay King Badger hindi na nila napaguspan "in private" ang kanilang problema ni Jelai dahil laging nakikialam ang pamilya ng kanyang asawa. Sumagot naman ang ate ni Jelai at sinabing hindi sila nirerespeto ni Jon.
"Bastos ka, sa buong pamilya namin ako lang kumakausap sayo kahit noon pa! Kinakaawaan pa kita kaya never kang nakarinig ng kahit anong katiting sakin sa panloloko mo sa kapatid ko. At never ka nagsorry sa parents namin! Pero lai kang pinapatawad ni Jelai."
Source: The Philippine Times














