Sunday, March 7, 2021

Julia Barretto, sobrang sweet ang mensaheng pagbati para sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson!

0

Nagpost si Julia Barretto ng larawan nila ng kanyang boyfriend na si Gerald Anderson sa kaarawan nito.

Simula ng ibinunyag ni Gerald ang tunay na relasyon nila ng aktres na si Julia ay naging bukas na ang dalawa sa pagppahayag ng kanilang nararamdaman sa isa't isa.

Ngayong March 7 ang ika 32nd birthday ng aktor at dahil dito ay ipinagdiwang nina Julia at Gerald ang espesyal na araw na ito ng magkasama.

Nagpost si Julia ng napakasweet na pagbati para sa kanyang boyfriend.

Saad ni Julia sa kanyang instagram, "Everyday I celebrate you, but today I am extra grateful. Happy birthday my love, I am SO PROUD OF YOU.

Kasama nito ang larawan kung saan ay nakahalik ang aktor sa kanyang pisngi.

Kamakailan lamang ay ibinunyag ni Gerald sa isang panayam ang ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa ng aktres.

Matagal ng usap usapan ang pagkakamabutihan ng dalawa. Matatandaang taong 2019 ay nababalita na may espesyal na relasyon ang "Between Maybes" stars. Umabot ng dalawang taon bago pa nila naibunyag na sila nga ay magkarelasyon.


Sa ngayon, masayang masaya ang kanilag mga fans sa kanilang pag aanunsyong ito dahil matagal na matagal narin nila itong iniintay.



Minsan na ring nakita ang dalawa na nagsasagawa ng relief program. 


May ilang netizens naman ang nagpost ng larawan ng dalawa kung saan makikitang nasa private resort sila ng aktor sa Zambales.

Sweet na sweet ang mga ito at magkahawak pa ng kamay.


Matapos ang post ni Julia Barreto ay kaagad naman siyang naging number 1 trending topic sa twitter.


Umani naman ito nga iba't ibang reaskyon mula sa mga netizens.









Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment