Sunday, March 7, 2021

Isang babae hindi pinautang ni kumare, sinisingil ang kinain nito noong binyag ng kanyang anak!

0



Bilang isang pinoy, nakasanayan na natin na sa tuwing kukuha tayo ng mga  ninang o ninong sa ating mga anak ay mga taong malalapit sa atin tulad ng kapatid, matalik na kaibigan o yung mga taong alam natin na mayaman o may pera.

Ngunit dapat nating pakatandaan na sa tuwing pipili tayo ng magiging kumare o kumpare ay dapat kaya nilang gabayan ang ating mga anak at hindi lang dahil nakakapagbigay ito ng magagandang regalo o pera.




May isang ina na kamakailan lamang ay naging viral sa social media. Ipinost niya ang usapan nila ng kanyang kumare. Tila ba hindi nito alam ang tunay na kahulugan ng isang ninang dahil nangungutang ito sa kanya upang makabili ng diaper ng kanyang inaanak.


Ngunit sinabi nitong hindi nya mapapahiram ang kanyang kumare dahil bubuksan niya ang kanyang tindahan at kailangan rin niya ng pera. Mayroon pa umanong Php1500 na utang ang ito sa kanya ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nababayaran. Sinabi naman ng kanyang kumare na pamasko na lamang niya ito at wala ng singilan dahil mapera naman ang kanyang kaibigan.



Sinabi naman niyang malayo pa ang pasko. At kung kailangan nya talaga ng pera ay dapat sa kanyang asawa siya humihingi ng pera at hindi sa kanya.



Sinabihan siyang mayabang ng kanyang kumare dahil sa pagiging mayabang nito at pinagsisishan umano nito na kinuha niyang ninang ang kaibigan. Ang nakakagulat sa lahat ay pabayaran pa ng kanyang kumare ang lahat ng kinain niya nung binyag ng kanyang inaanak sapagkat 500 lang daw ang pakimkim nito at wala umanong mararating ang halagang iyon.

Hindi na siya nakapagpigil at sinabing nung nanguang umano ito ng Php.1500 sa kanyang ay naawa lamang siya dito dahil sinabi nitong naospital ang anak niya kaya niya ito pinahira. Ngunit kalaunan ay nalaman niyang hindi pala naospital ang kanyang inaanak. 



Inintindi umano niya ito dahil baka gipit lamang ang kanyang kumare kaya nagawa ito. Ngunit dahil hindi niya mapautang ng Php.1000 ang kumare ay lumabas na ang tunay na ugali nito.











Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment