Bilang isang ina at isang babae hindi dapat natin binabalewa ang mga nararamdaman natin sa ating katawan lalong lalo na kung ikaw ay sumailalim sa isang operasyon.
Sabi nga nila pag nanganak ang isang babae ay tila ba nakabaon na sa hukay ang isang paa nito dahil ano mang oras ay maaring hindi nila kayanin ito at baw.ian sila ng buhay.
Mayroong dalawang uri ng panganganak ito ang normal delivery at ang isa ay ang ceasarian section delivery kung saan ay hiiwain ang tiyan ng babae upang doon kuhanin ang sanggol.
Kapag naging matagumpay ang panganganak ng isang ina ay kailangan pa niyang intayin ang paghilom ng kanyang sugat.
Para sa mga inang dumaan sa ceasarian section delivery, sinasabing mas matagal maghilom ang sugat nito ngunit walang kasiguraduhan kung gaano katagal ang paghihilom ng sugat.
Dahil magaling na ang sugat sa kanyang tiyan buong akala niya ay magaling at naghilom na ito. Nagulat na lamang siya isang araw na bigla na lamang bumuka ang kanyang tahi. Ngunit binalewala umano ito ni Honelyn sa pag aakalang gagaling din ito ulit.
Bigla umano niyang napansin na may tumutubong buk0l sa kanyang peklat.
Kung kaya't kumunsulta siya sa espesyalista at dito ay binuksan muli ang kanyang tahi. Doon nga ay napagalamang may tumubong tum0r. Mabuti na lamang daw ay naagapan ito at maliit pa lamang.
Sa kanyang post ay nagbigay babala si Honeylyn sa kapwa nya mga ina na huwag na huwag babalewalain ang mga ganitong nararamdaman dahil maaring hindi maganda ang maging epekto nito sa kanilang katawan.
Sa ngayon ay nagpapagaling na si Honelyn mula sa kanyang operasyon.
Narito ang kanayang buong post.
Source: The Philippine Times