Matapos nag ilang taon ng pag iwas at pagtanggi, sa wakas ay umamin narin si Gerald Anderson sa totoong namamagitan sa kanila ni Julia Barretto.
Matapos ang mahigit isang taon ng espekulasyon sa kanilang totoong relasyon, sinabi ni Gerald na masaya siya kay Julia.
Sa isang panayam ni Boy Abunda kay Gerald na inilabas ngayon Byernes lamang,
Tinanong ni Tito boy kung ang aktres na si Julia na nga ba ang nagpapasaya ng kanyang puso.
Diretsong sinabi ng aktor, "Yes. Very happy. It's a yes."
Tila ba nakahinga ng maluwag si Gerald matapos ang halos isang taong pagtatago ng kanilang relasyon ni Julia.
Matatandaang matagal ng nali-link sa si Gerald sa kanyang "Between Maybes" leading lady na si Julia. Inamin rin ni Julia sa naaraang interview na sya ay "very happy" at "in love"
Sinabi ni Anderson na mas pinili nyang mag focus sa mga biyayang natatanggap niya kaysa sa mga akusasyong ibinabato sa kanya.
"At the end of the day, ako yung pinaka kontrobersyal na tao sa Pilipinas ngayon but I'm so blessed with good health, yung pamilya, nakakakain kami araw araw, may work ako. I can still provide for them" Saad ni Gerald.
Matatandaang sa kalagitnaan ng taong 2019, ay napagitna si Gerald sa isang k0ntrobersya matapos ang paghihiwalay nila ng kanyang ex-girlfriend na si Bea Alonzo. Matapos nga nito ay na link na siya kay Julia Barretto ngunit pareho nilang itinatanggi ang kanilang relasyon.
Nagsimula ang usap-usapan sa kanilang pagkakamabutihan noong 2019 sa gitna ng k0ntrobersyal na hiwalayan ng aktres na si Bea Alonzo.
Nang mga panahong iyon parehong ititatangi ng dalawa ang kanilang espesyal na pagtitinginan.
Sinasabing si Julia ay third party umano sa sa relasyong Bea-Gerald. Ngunit sinabi ni Gerald na hindi naging third party si Julia.
Narito ang buong panayam kay Gerald.
Source: The Philippine Times