Friday, March 5, 2021

Gerald Anderson, binalikan ang nangyari sa hiwalayan nila ni Bea Alonzo, sinagot kung may "ghosting" nga ba na nangyari.

0

Matapos kumpirmahin ang relasyon niya kay Julia Barretto, itinanggi naman niya at sinabing hindi niya ginhost ang dating nobya na si Bea Alonzo.

Sa kalagitnaan ng 2019 matatandaang nadawit sa isang kontrobersya ang aktor na si Gerald Anderson.

Matapos ang hiwalan nila ng ex-girlfriend na si Bea Alonzo, ay bigla naman siyang na-link sa aktres na si Julia Barretto. Si Julia at Gerald ang nagkasama sa pelikulang "Between Maybes" na ginawa sa Japan. Ngunit kaagad naman nilang itinaggi na mayroong namamagitan sa kanila.

Sa kabila ng kanilang pagtanggi, marami pa rin sa mga netizens ang naghihinala na may espesyal na pagtitinginan ang dalawa.

Sa isang tell-all interview ni Boy Abunda na in-upload sa ABS-CBN Youtube channel, inamin na nga ni Gerala ang kanilang relasyon ni Julia.

Sa parehong interview ni Boy, nagbalik tanaw ang aktor sa naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo na isa sa pinaka pinagusapang balita noong 2019.

Matatandaang ginhost nya umano ang dating nobya at hindi sila nagkaroon ng pormal na hiwalayan, sagot naman ni Gerald "Tito Boy, I can remember that moment like kahapon lang siya nangyari. But I can't... I don't have the guts to put someone in a bad light because gusto ko linisin yung image ko or yung side ko."

"Wala po akong ginhost" Saad ng aktor.

"Ano po bang definition ng ghosting? Kasi ang dating sakin isa parang nasa gitna kami ng dinner and then nagdecide ako na magwalk out and hindi magpakita kahit kailan. 'Yun ba yung definition or is it walking away from a very unhealthy, toxic--not saying na sya yung toxic (or) ako yung toxic, but being together we were very toxic, and hindi na nirerespeto ung mga explanation na binibigay mo, hindi na tinatanggap after months and months and months and months and months of being on the rocks and medyo away? I mean yun lang" Dagdag pa ni Anderson.

I'm just gonna leave it at that" Saad pa niya.


Narito ang buong panayam kay Gerald.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment