Tuesday, March 30, 2021

Ellen Adarna, nagulat sa ginawang pagpo-propose ng boyfriend na si Derek Ramsey!

0

 Trending topic ngayon sa social media ang engagement nina Ellen Adarna at Derek Ramsey.

Matatandaang agaw atensyon ngayong taon ang relasyong Derek at Ellen dahil sa mga pinagdaanan nila sa kanilang mga nakaraang nakarelasyon.

Umugong ang balitang hiwalay na sina Andrea Torres at Derek Ramsey nito lamang Disyembre ng nakaraang taon samantalang bigla na lamang napabalita ang hiwalayan nina John Lloyd at Ellen ngunit hindi natukoy ang eksaktong petsa kung kelan ito nangyari. Nagkaroon din ng anak si Ellen sa award winning aktor bago sila maghiwalay.

Nagkakilala sina Derek at Ellen dahil sa kaibigan nilang John Estrada na kasama ng aktres sa sitcom na kanilang ginagawa sa Kaptid network. Hindi naglaon ay inimbita ni Derek sa kanyang house party nito lamang Enero ang kanyang mga malalapit na kaibigan kasama na rito si Ellen Adarna.


At dito na nga nagsimula ang pagkakamabutihan ng dalawa. Mula sa mga sweet na larawan at umasa ang kanilang mga taga hanga na magiging sila. Ngunit agad itinanggi nina Ellen at Derek na nagkakamabutihan sila.

Sinabi pa ni Ellen na hindi si Derek ang tipo niyang lalaki. Ngunit tila iba ang kinikilos sa kanilang sinasabi dahil habang tumatagal ay mas lalong nagkakalapit ang dalawa makikita ito sa mga larawan na kanilang ina-upload sa social media.

Madalas makikita ang dalawa na magkasama sa ibat ibang lugar kasama ang anak si Ellen na si Ellias.

Hindi nagtagal ay napaamin din sa isang panayam ang dalawa at sinabing sila na nga. Kitang kita sa mata ng dalawa ang kilig at saya.

Ilang beses na ring sinabi ni Derek sa kanyang mga panayam na si Ellen na ang kanyang "The One" at magiging mabilis umano ang mga susunod na pangyayari sa kanila ni Ellen. Pinuro rin ni Derek ang nobya dahil iba umano ang turing nito sa kanyang ama.

Marahil ito na ang naging dahilan ni Derek kung kaya't naisipan na niyang tapusin ang lahat ng usap-usapan.

Ngayong araw lamang March 30, 2021 ay nagpost sa kanyang instagram account si Ellen Adarna. Mayroon itong caption na "Game Over" kasama ang mga larawan na umiiyak si ellen habang nakaluhod ang aktor. May nakasulat din na 'Will you marry me' sa likod. 




Makikita rin sa larawan ang kamay ni Ellen na nakasuot ng pagkalaki-laking diamond ring.


Tila hindi makapaniwala si Ellen sa mga nangyayari, matatandaang sinabi ni Ellen na hindi niya nakikita ang sarili na magpapakasal balang araw. Ngunit mangyayari na ito ngayon.



Kasama pa sa larawan ang kani-kanilang mga anak.


Sa ngayon ay hindi pa idinedetalye ng dalawa ang buong pangyayari magng ang araw ng kanilang kasal.
Talaga namang kaabang abang ang mga susunod na mangyayari sa kanilang relasyon.



Umani namang ng  pagbati mula sa kanilang kaibigan sa industriya ang dalawa. Maging kanilang mga taga hanga ang bumati rin at nagpahayag ng kasiyahan para sa kanila.














Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment