Monday, March 1, 2021

Derek Ramsay, tinamaan ng husto kay Ellen Adarna at sinabing ito na ang kanyang "The One"

0

Tila ba nakita na ni Derek Ramsey ang kanyang "The One"

Ito ang ang sinabi ng aktor sa isang audio clip na  na inilabas ng isang online news magazine na Mega Entertainment.

Sa social media account ng Mega entertainment, nag upload sila ng isang short clip kung saan maririnig na nagsasalita ang aktor na si Derek.

Nagbigay siya ng pahayag tungkol sa kasalukuyang nobya na si Ellen Adarna.

"I think she's the one. And I say it's gonna happen quick, like no joke" Saad niya.

Isa ito sa mga teaser sa ilalabas na buong panayam nila kay Derek ngayong March 1.

Kamakailan lang ay umamin na ang aktor at si Ellen Adarna sa kanilang relasyon.

Nagsimula ang kanilang matamis na pagtitinginan ng magkaroon ng house party sa bahay ng aktor sa Ayala Alabang, Muntinlupa. 

Inimbitahan nito si Ellen at ang kanyang malalpit na kaibigan para sa isang dinner party.

Noong umpisa ay nag upload ang kaibigan nilang si Ruffa Guttierez ng kanilang sweet na larawan at vidoe clips. Kaagad na nagreact ang kanilang mga fans.

At naging usap-usapan nga sa social media ang kanilang relasyon. Ngunit agad nilang pinabulaanan ang naturang isyu.


Madalas nakikitang lumalabas ang dalawa at sobrang lapit sa isa't isa. Hindi nagtagal ay may namuo ng pag iibigan sa dalawa, at kitang kita sa mga larawan nila na masaya sila bilang magkasintahan.

Matatandaang nito lamang Decemeber 2020 napabalita ang hiwalayang Derek at Andrea Torres. Hindi naman ibinahagi ni Ellen kung kailan sila naghiwalay ng kanyang non-showbiz ex-boyfriend.


Narito ang reaksyon ng ilan sa mga netizens.





Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment