Wednesday, February 10, 2021

Willie Revillame, sinagot na ang usap-usapang kukunin nyang co-host ng Wowowin si Maja Salvador!

0

Deretsahang sinagot ni Willie Revillame ang isyu tungkol sa pagkuha nya kay Maja Salvador bilang co-host ng program nitong Wowowin.


Nagsimula ang usap-usapang ito matapos mawala sa ere ang show ni Maja na SNL (Sunday Noontime Live)


Ang Sunday Noontime Live ay Sunday noontime variety show ng TV5 na katapat ng ASAP Natin 'To ng ABS-CBN.

Dagdag pa rito, ang SNL ay ipinalabas ilang linggo matapos ipasara ang Kapamilya network ito na rin ang sabay na paglipat ni Maja sa Kapatid network.


Matapos nito, nagsanib pwersa ang ABS-CBN at TV5. Pinalitan ng ASAP ang Sunday Noontime Live kung saan ay dating mainstay si Maja Salvador.



Nababalitang wala umanong project na nakaline up ngayon para kay Maja. Napapabaita ngayon na malapit ng lumipata si Maja Salvador sa Kapuso network.



Ngunit sa isang artikulo na isinulat ni Ricky Lo, sa Philippine Star, itinanggi ni Willie na magiging co-host niya si Maja.


Ayon kay Ricky LO, kumalat sa isang tabloid na gagawin umano ni Willie na co-host sa programang Wowowin ang aktres.


“Hindi totoo. Sino may sabi? Hindi ko alam ‘yan. Baka para mapag-usapan. Sino sumulat?” Saad ni Willie.

“Wala. Hindi ko kailangan ng co-host. It’s a talk show pa-minsan-minsan with guest co-host.”

Kung hindi nga totoo ang balitang lilipat si Maja sa Kapuso Network ano na kaya ang kahihinatnan ng karera ng aktres?




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment