Mahigit isang buwan na ng mawala ang flight attendant na si Christine Dacera. Ngunit ang ina nitong si Sharon Dacera ay tila hindi pa rin matahimik at patuloy paring humahanap ng hustisya.
Ang balita tungkol kay Christine Dacera ang talaga namang gumulata sa ating lahat pagpasok pa lamang ng taon.
Naging usap-usapan sa social media, tabloid at telebisyon ang kanyang biglaang pagakawala.
Masasabi natin na naging maingay ang pangalan ng dalaga kung kaya't maging mga filmmakers ay nais gawing pelikula ang buhay ni Christine.
Una itong itinanong sa programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) na madalas nagpapalabas ng mga istorya ng tunay na buhay. Ngunit sinabi ng pamunuan nito na hindi nila ipapalabas ang istorya ng dalaga dahil hindi pa ito nareresolba.
Sa kabilang banda, ang isang line producer na si Dennis Evangelista ay nagpost ng larawan nila ng ina ni Christine na si Sharon.
Nang tanungin kung gagawin nilang pelikula ang buhay ng flight attendant, sinabi nilang wala pa silang kongkretong plano hanggang sa ngayon.
Ayon sa direktor ito ang unang pagkikita nila ni Sharon at nakadepende sa ina ni Christine kung papayagan silang isapelikula ang buhay ng dalaga.
Kung sakali mang magkasundo ang magkabilang panig, sinabi ni Dennis na hindi nila isasama ang araw kung kailan nawala ang dalaga. Ito ay ng magdiwang ng bagong taon ang dalaga kasama ang mga kaibigan nito.
Sinabi rin ng line producer na kung sakali mang may gaganap na artista sa buhay ni Christine ay dapat isa itong Kapuso actress dahil mas familiar si Sharon sa mga artista ng network.
Anong masasabi nyo sa balitang ito? magiging makabuluhan kaya ang pelikulang ito kung sakali mang matuloy ang pag gawa? May mapupulot kayang aral sa buhay ng dalaga?Source: The Philippine Times










