Umalma sina Loisa Andalio at Ronie Alonte tungkol sa live-in isyu na ibinabato sa kanila.
Habang ginaganap ang kanialng mediacon para sa kauna-unahang IwantTFC series na pinamagatang "Unloving You", na ginanap nitong nakaraang Biyernes February 3, pinabulaanan ng magkasintahan na sila ay nagsasama na sa iisang bubong.
Ito ay mula sa mga espekulasyon ng mga netizens. Ang isyu ay mabilis na kumalat sa mga social media na matagal na umanong nagsasama ang dalawa.
Sa nasabing conference, itinanggi ni Ronie ang mga usap-usapan. "Nagkakasama kami. Sabihin nalang nating mas lamang ang magkasama kami" Saad ng binata.
Ipinaliwanang naman ni Loisa kung bakit lagi silang magkasama ni Ronnie base ito sa laging nakikita ngmga tao sa social media.
"Kasi sobrang lapit lang ng bahay namin kila Ronnie. As in pwede mag scooter ganyan."
Matatandaang ganito rin ang ibinabatong isyu sa dalawa kahit noong nakaraang taon pa.
Sa isang interview ni Toni Gonzaga sa "I Feel U" pareho nilang pinabulaanan ang isyu.
"Hindi po, ganun lang namin kamahal ang isa't isa. Lahi kaming magkasama kaya akala nila live-in na kami." Saad ni Loisa.
"Kasi kami ni Ronnie parang magkapitbahay lang kami, Laguna and Cavite. Kumbaga isang exit lang. Parang 30 mins away lang yung bahay namin." Dagdag pa ni Loisa.
Sumasangayon naman si Ronnie sa mga sinasabi ni Loisa. Naibahagi rin nila na napag uusapan na nila ang pagpapakasal sa hinaharap.
Sinabi naman ni Ronie na marami pa silang dapat pag daanan ng nobya sa kanilang relasyon, ngunit iniisip na niya ang kanyang kinabukasan kasama si Loisa.
Dahil narin sa kanilang magagandang itsura, may nagtanong rin sa kanila kung handa ba silang tumanggap ng s3xy project sa hinaharap. "Depende sa story, kung maganda talaga at saka hindi lang masasabing s3xy na nagpakita nag katawan. Hindi na din natin masabi kung kelan eh. Surprise nalang kung tatangapin namin" Sagot ni Loisa.
Sumangayon naman si Ronnie sa mga sinabi ng girlfriend na si Loisa.
Source: The Philippine Times