Emosyonal na ibinahagi ni Banibnay Bautista na hiwalay na sila ng kanyang long time boyfriend na si Bont Bryan Oropel.
Ito ang nakakagulat na rebelasyon ng dating Pinoy Big Brother housemate, ang kanilang paghihiwalay.
Sa vlog na kanyang in-upload sa kanyang Youtube Channel, umiiyak si Baninay habang sinasabi nito na siya at ang nobyong si Bont ay nagdesisyong maghiwalay at tapusin ang lahat sa kanila.
"Wala na kami ni Bont. Halos mag t-two years na kami, mahaba narin yung pinagsamahan namin" Saad niya.
Sinabi ni Baninay na naging mabuting tao sa kanya ang dating nobyo na si Bont. Sinabi nya sobrang naramdaman niya ang pagmamahal nito at trinato siya nito ng tama.
Ngunit dadating din talaga sa puntong tila may hindi tama sa inyong pagsasama.
"So, love na love ko sya pero dadating din pala sa point na hindi na kayo magkakaintindihan, na hindi mo alam kung anong nangyayaring mali, pero alam mo may mali" dagdag pa ni Baninay.
Ngunit sinabi naman ng vlogger na mayroon parin silang komunikasyon kay Bont dahil sa mga trabaho nilang dalawa. Matatandaang nag invest ang dalawa sa mga restaurants.
Kahit na mukhang ayos naman ng pagsasama ng dalawa at tila itinadhana sila para sa isat isa nakakalungkot isipin na kailangan na nilang tapusin ang lahat.
Talaga namang marami ng pinagsamahan ang dalawa sa hirap at ginhawa. Matatandaang sabay pa silang nagkaroon ng v!rus nung nakaraang taon.
Ito ay inihayag nila sa kanilang kani-kanyang vlog at pawang mga emosyonal ang dalawa habang inaamin ito.
Sinabi nilang nagsimula ito sa ama ni Bont at nahawa lamang sina Baninay at Bont. Laking pasalamat nila na nakaraos at gumaling sila mula sa sakit.
Samantala, labis naman ang lungkot ng mga taga hanga ng dalawa dahil sa kanilang paghihiwalay.
Source: The Philippine Times