Nito lamang ay ibinahagi ni Ivana Alawi ang kanyang karanasan sa isang TV host na nanigaw umano sa kanya.
Ngayong panahong ito, isa si Ivana sa mga mabilis yumabong ang karera mapa artista man sya o isang Youtuber. Matapos mag guest sa FPJ's Ang probinsyano, hindi na napigilan ang pag ingay ng pnagalan ng dalaga.
Bukod sa pagiging magaling na artista, sinubukan din ni Ivana ang mundo ng vlogging kung saan ay mas sumikat siya at mas nakilala ng marami.
Sa ngayon mayroong mahigit 11 million subscribers sa kanyang Youtube channelang kapamilya actress. Naka takda sana siyang magbida sa isang kapamilya series na Ang Lihim ni Ligaya.
Ngunit dahil sa pagsasara ng ABS-CBN, kinailangan ihinto muna ang pag gawa ng series niyang ito.
Sinabi ni Ivana na habang nag hihintay umano siya ng kanyang guesting, lumabas umano ang kanyang PA sa dressing room kung saan doon din naghihintay ang ibang artista.
Nagtanong ang kanyang Personal Assistant sa labas kwarto kung maari ba siyang maupo doon. Ang nasabing kwarto ay tapat lamang ng dressing room kung saan naghiintay umano si Ivana.
Nagulat na lamang umano siya at napahiya ng sigaw sigawan siya ng isang beteranong TV host at sabihin sa kanyang ang PA niya ay nasa dressing room ng mg Hosts.
Sinabi ng aktres na naiyak siya dahil sa nangyari dahil sa sobrang napahiya umano siya. Sinabi pa ni Ivana na palagi nyang pinapanood ang TV host na ito simula nung bata pa lamang siya.
Sinabi rin ni Ivana na iniidolo pa naman nya ang host na ito. Nagbigay naman siya ng hint na ang initial umano ng TV host ay nagsisismula sa letter M
Source: The Philippine Times











