Ang pagmamahal ng isang magulang talaga namang hindi matatawaran. Lahat ay kaya nilang ibigay at isakripisyo para sa kanilang mga mahal na anak. Upang maitaguyod and buong pamilya handa nilang suungin ang kahit na anong pagsubok makita lamang na nasa mabuting kalagayan ang pamilya.
Kakaiba ng pagmamahal ng isang magulang. Siksik liglig at umaapaw kung sila ay magmahal para sa pamilya. Kakaiba ang proteksyon rin ang ibinigay nila masiguro lang ang kaligtasan ng buong pamilya.
Ngunit minsan kahit anong sakripisyo at pag aalaga ang kanilang ipakita at ibigay para sa kanilang mga anak habang pinapalaki ito, may mga oras parin talaga na binabalewala ito ng kanilang mga anak lalong lalo na pag sumapit na ang panahon na sila ay matatanda na at kailangan ng pag aalaga mula sa kanilang mg anak.
Tulad na lamang ng ibinahaging mga larawan ng isang concern na netizen na si Jenny Rose Ventura. Makikita rito ang isang matanda na nakahiga sa isang kahoy na papag na tila anu mang oras ay bibigay na. Ayon sa balita dito na nakatira ang matanda sa gilid nag isang konkretong bahay.
Kinilala ang matanda na si Tatay Rene Banaag na taga Bantug Cabanatuan Nueva Ecija.
Ayon sa uploader na si Jenny, may mga anak pa naman umano si Tatay Rene ngunit mas pinili nila itong tumira na lamang ito sa barong barong at doon ay pabayaan. Kumakain lamang ang matanda kapag may mabubuting loob na nais magbigay ng tulong at magpakain dito.
Namamalimos nalang din ang matanda sa iba't ibang lugar upang mabuhay. At dahil wala na ngang nag aalaga mapapansin din na madumi at nangangamoy narin ang matanda.
Dahil sa sobrang awa, minabuti ni Jenny na ipost ang kalagayan ng matandada sa social media upang may makapansin at makahingi ng tulong para kay tatay Rene.Narito ang buong post ni Jenny.
Hello po Sir #raffytulfoinaction Gusto ko Lang po Sana na matulungan nyo po Ang kawawang kalagayan nato. May mga anak po yan hindi Inaasikaso ng mga anak, namamalimos Lang po sa kung Saan Saan.
Walang nag aalaga po at mapanghe na nakatira Lang po sa barong barong, inaabutan Lang po ng pagkain. Sana po matulungan niyo sir.
Please share po Para Maka rating sa kinauukulan.
Ang pangalan po ni tatay ay RENE BANAAG
LOCATION NI TATAY BANTUG BULALO CABANATUAN NUEVA ECIJA.
Narito ang reaksyon ng ilan sa mga netizens.
Source: The Philippine Times









