Wednesday, February 24, 2021

Isang batang hapon pinahanga ang mga netizen ng mamulot ng kalat sa dalampasigan ng Pangasinan

0

Pinahanga ng isang Japanese boy ang mga netizens matapos kumalat sa social media ang kanyang mga larawan habang nagpupulot ng basura sa tabing dagat. Balat ng candy, plastic cup at wrapper ng mga chichirya  ang ilan lamang sa mga napulot ng batang ito sa beach ng Alaminos, Pangasinan.

Hundred Islands National Park ang isa sa mga sikat na pasyalan sa lugar kung kaya't ito ay dinarayo ng mag turista.

Umani ng papuri ang ginawang paglilinis a beach ng batang ito gayun din ang kanilang magulang s syang nagpalaki sa kahanga-hangang Japanese boy.

Ang batang ito ay anak ng isang government employee sa Dagupan City na ang naging asawa ay isang Haponesa.

Ayon kay Hannah Galvez, CEO at Founder ng Olives, Inc. at Olives Language School na nagbbigay ng online and onsite courses sa Tokyo, Japan, itinuturo raw talaga sa mga Japanese students ang paglilinis ng kapaligiran.

Dagdag pa niya, ang paglilinis ng mga estudyante ng kanilang silid aralan ay upang matuto ang mga ito ng disiplina habang ang paglilinis naman ng kanilang paaralan ay upang maging responsable sialng mamamayan.

If you see things that are not right and may adversely affect other people, you have to do something. In Japanese schools,  there are no janitors to clean the school.  Everyday, the kids set a time to clean their room and whatever they used,” sabi ni Galvez.


Kwento ni Galvez, meron din daw isang Japanase na lalaki ang pumunta ng Baguio City at doon naglinis ng mga kalye.

He tries to visit Baguio every year to clean,” sabi ni Galvez.

Sinabi niya, hindi raw ordinaryong tao ang lalaking hapon dahil mayroon itong restaurant sa Tokyo.

It is such a shame to us locals that we let a foreigner set an example in cleaning our own area,” sabi ni Galvez.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment