Sa wakas, inamin na nina Derek Ramsey at Ellen Adarna ang kanilang relasyon!
Ito ang rebelasyon ng dalawa ng magkaroon ang PEP.ph ng panayam sa bahay mismo ng aktor sa Ayala Alabang, Muntinlupa.
Inilarawan ni Derek ang kanilang relasyon ng aktres.
"Wala, wala.. it's not a normal relationship. Hindi sya yung parang merong ligawan.
"It's just nagkakilala kami, from the dinner, everyday'O, workout"
Bigla namang sumagot ang aktres na, "Huy baka sabihin nila na ako ang nanliligaw sayo."
Dinepensahan naman ni Derek si Ellen na hindi ganoon ang nangyari at hindi umano ganoong babae si Ellen.
Nagsimula ang lahat ng kumalat sa social media ang kanilang kaunaunhang picture na magkasama. Nakuhanan ito matapos ang dinner party na giananap sa mismong bahay ng aktor nitong January 11.
Ito umano ang unag beses na nagbondong ang dalawa at nalaman din ni Derek na nakatira rin si Ellen sa subdivision kung saan siya nakatira.
Simula noon, napansin na ng kanilang mga fans na palagi ng magkasama ang dalawa sa lahat ng kanilang mga lakad. Nang lumabas at kumalat ang balita na may relasyon sila ay kaagad na pinabulaanan ng dalawa ang nasabing isyu.
Sinabi rin ng TV5 actress na hindi ang tipo ni Derek ang gusto nyang lalaki. Ngunit iba ang kanyang ikinikilos sa kanyang sinasabi.
Sa loob lamang ng isang buwan ay inamin agad ni Derek na nagkaroon na sila ng mga tampuhan.
"Like,walang dull moment. Sa isang month, meron na kaming tawanan, meron na kaming tampuhan lahat meron na."
Tinanong ng PEP.ph kung sila naba talagang dalawa. Noong una ay nagdadalawang isip pa ang dalawa kung sasagutin ba nila ang tanong. Ngunit nung huli ay umamin na ang dalawa na sila na nga.
Source: The Philippine Times