Wednesday, January 20, 2021

Yamyam Gucong, ipinasilip ang kanyang buhay ngayon matapos manalo ng milyon milyon sa PBB otso!

0

Ipinasilip ni Yamyam Gucong nag kanyang pamumuhay sa probinsya sa pamamagitan ng pag upload ng video sa kanyang Youtube channel.


Si Yamyam ay ang Big winner na naguwi ng pianakamaling papremyo ng pinaka huling season ng Pinoy Big Brother Otso ng Kapamilya network.


Sa lahat ng mga housemates si Yamyam ang pinaka nagmarka sa puso ng mga tao kasama ang kanyang 'spiritual brother' na si Fumiya dahil narin sa mga nakakatawa nilang ginawa sa loob ng bahay.


Sa umpisa ng season ng PBB na nilahukan ni Yamyam, nakilala siya bilang isang probinsyano habang si Fumiya ay isang Hapon. Marami ang natawa sa kanila kapag sila ang nag uusap at tinuturuan ni Yamyam si Fumiya na magsalita ng tagalog.

Ngunit itong si Fumiya ay iilan lang ang alam na tagalog words, at ang tanging alam lang nito ay wikang Ingles at Japanese. Ang kanilang pag uusap ay kinagiliwan ng mga taga subaybay ng show dahil hindi sila magkaintindihan.


Simula noon ay naging malapit na magkaibigan ang dalawa sa loob ng bahay ni Kuya at tinawag na nila ang isa't isa bilang 'Spiritual Brothers'


Si Yamyam ay galing sa mahirap na pamilya sa Bohol habang si Fumiya naman ay isang vlogger na may magandang buhay sa Japan. Mahilig siyang magbalik balik dito sa Pilipinas.

At ngayon nga na maraming pera ang napanalunan ni Yamyam, nakasisiguro na sia na maiaahon na niya ang kanyang pamilya sa kahirapan. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay tatalikuran na niya ang kanayng nakagisnang buhay.

Sa katunayan, alam na alam pa ni Yamyam kung paano mamuhay sa kanilang probinsya. Pinatunayan nya ito sa kanyang pinakahuling Youtibe vlog.

Sa nasabing video, ipinakita nito panahon na upang umani ng mais at mani sa kanilang bukid. Ipinakita pa nito kung paano gumawa ng corn rice gamit ang isang makina.

Ipinaliwanag ni Yamyam na kung ang magulang niya ang masusunod ay mas pipiliin ng mga ito na maging magsasaka na lamang dahil malaki ang naging parte nito sa kanilang pamumuhay at ito na ang nakagisnan nilang trabaho.


Samantala, nagsimula na rin ng kanyang sariling panaderya si Yamyam sa Bohol.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment