Wednesday, January 20, 2021

Xian Gaza, niregaluhan ng mamahaling sasakyan ang magandang babae na crush nya sa Tiktok!

0


Muli nanamang gumawa ng ingay si Christian Albert Gaza o mas kilala bilang Xian Gaza.


Isang sikat na personalidad sa Tiktok ang kanyang niregaluhan ng isang mamahaling sasakyan.

Si Gaza ay kilala sa kanyang kakaibang istratehiya sa pagpromote ng kanyang mga negosyo upang ito ay mas makilala ng madla kahit na may mga bumabatikos ay tuloy parin siya sa kanyang mga gawain. 

Isa na rito ang  pagreregalo ni Xian ng portrait sa sikat na aktres na si Liza Soberano, na kalauna'y ang manager nito na si Ogie Diaz ang kanayng naging malapit na kaibigan. 


Aniya, ginawa nya ang bagay na ito upang i-promote o ipakilala ang kanyang sarili sa mga taoa at upanag maipakilala ang kanyang inilulunsad na media company.


Gumawa rin ng ingay itong si Xian na labis  na pinagusapaan noong 2017. Ito ay dahil nagpagawa siya ng billboard sa Morayta kung saan ay iniimbitahan niya ang kapamilya actress na si Erich Gonzales sa isang coffee date.


Talaga namang agaw eksena ang billboard na ito sapagakat para lamang sa isang coffe date ay gagastos ang isang lalaki ng ganito kalaki. Inamin naman ni Xian na ginawa niya ito upang i-promote ang coffe distribution business, ngunit sa huli ay nasira lamang umano siya at nabansagan pa nilang "National $cammer"

Hindi pa natatapos doon ang kanyang pagpapakitang gilas dahil nito lamang nakaraang taon, buwan ng Pebrero ay niregaluhan naman niya ng isang Ford Mustang ang sikat na aktres na si Nadine Lustre.


Saad ni Gaza ginawa na ang ganitong publicity stunt upang mapromote ang kanyang real estate investment business. Matapos umano ang ilang buwan ay naging matagumpay siya sa pinasok niya kahit na nagtatago siya sa ibang bansa.



Naging usap-usapan muli ang business man ngayon dahil sa bagong post nito sa kanyang facebook account. 

Sinabi niya sa kanyang post na sobrang crush niya ang isang tiktoker na nagngangalang Yukii Takahashi.



Ayon kay Gaza, palagi niyang sinusubaybayan ang mga Tiktok video ng dalaga at sa sobrang kagandahan nito ay kinikilig na siya rito.


Pinili nya umanong bigyan si Takahashi ng kotse dahil napansin niya ang tiktok videos nito na wala umanong kotse ang dalaga.




"I just want to give this to you dahil napansin ko sa lahat ng TikTok videos mo na wala kang kotse. I assumed that you don't drive your own car kaya naisip ko na magiging sobrang useful ito sayo bilang isang rising social media star. Nagkataon lang talaga na yung halaga nito ay para lang akong bumili ng isang birthday cake sa financial capacity ko at the moment." Saad ni Gaza




Nilinaw ni Gaza na nais lang nyang maging "virtual friend" ang rising Tiktok star at sana raw ang wag matakot si Yukii sa kanya.




"Naisip ko, if magiging kaibigan kita... baka magbigay ka nang karagdagang kaligayahan sa aking buhay even I'm far away from home and your thousands of miles away from me. Manipulative sadboi man ang datingan pero yun ang tunay kong nararamdaman." Dagdag pa nito.





Narito ang kabuuan ng post ni Xian.




Dear Yukii Takahashi, My name is Xian Gaza and you are my one and only crush on TikTok. Sobra akong nabighani sa iyong...

Posted by Christian Albert Gaza on Wednesday, January 20, 2021

Anong masasabi ninyo sa pakay ni Xian Gaza sa dalagang ito? Maaari kang mag iwan ng komento!


 


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment