Tila ba hindi masaya ang komedyanteng si Vice Ganda sa darating na vaccine dito sa ating bansa.
Balak ng ating pamahalaan na simulan ang pagbabakuna sa C0'vid 19 sa susunod na buwan.
Kung saan ang unang 50,000 na galing sa mga Chinese ay siguradong darating na sa Pilipinas.
Ayon sa mga opisyal ng ating gobyerno, layon ng ating bansa na mabakunahan ang kalahati ng ating populasyon ngayong taon.
Ang nasabing vaccine ay magiging bukas sa publiko sa ika-tatlong quarter ng taon 2021.
Ito ay magagamit rin upang mabakunahan ang 15 milyong mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan.
Ang agreement ang pinirmahan ng nitong Sabado lamang ni Carlito Galvez. Si Galvez ay dating military general in charge of the Philippines’ strategy to fight the c0r0nav1rus, ito ay batay sa inilabas na pahayag ng SII’s local partner, Faberco Life Sciences Inc.
Naglalayon silang mabakunahan ang higit sa kalahati ng papulasyon bago matapos ang taon.
Nilinaw naman ni Galvez na hindi pa sigurado ang mga petsa ng dating ng mga bakuna sa bansa. Maari umano itong mapaaga o mahuli ng dalawa o tatlong linggo.
Wala pang inilalabas na pahayag ang department of health na siyang tutulong na ipamahagi ang naturang bakuna tungkol rito.
Nag tweet naman ang Health Secretary Francisco Duque: “We’re in the final stages of closing agreements with various manufacturers to vaccinate at least 60-70% of the (population)”. Hindi na sya nagbigay ng iba pang detalye tungkol dito.
Ngunit sa iba, tila ba hindi ito magandang balita na may darating na bakuna sa bansa.
Isa na rito ang 'Unkabogable Star' Vice Ganda.
Sa kanyang tweet kanina lamang sa kanyang twitter account sinabi niyang,
“Sa sabong panlaba nga choosy tayo e sa bakuna pa kaya. Ano to basta may maisaksak lang?! Vaklang twoooaahhh!!!”
Anong masasabi mo sa balitang ito? maari mong ibahagi sa amin ang iyong reaksyon.
Source: The Philippine Times