Thursday, January 21, 2021

OFW sa UAE, nanalo ng ₱4.5 milyon matapos itaya ang kahulihulihang pera niya sa lotto!

0

 Instant milyonaryo ang isa nating kababyan sa UAE matapos niyang itaya ang kanyang kahulihulihan pera sa lotto doon.


Sa gitna ng krisis, marami ang nag nanaisa na swertihin at makaahon nalang bigla sa hirap lalo na kung ikaw ay nasa ibang bansa. Asang kababayang nating OFW ang pinalad maging milyonarya. Siya si  Remedios Bombon na natatrabaho sa UAE at doon na inabutan ng pandemya.


Ayon sa kwento ni Remedios, isa siyang house keeper at bus attendant bago ipatupad ang lockdown sa lugara kung saan siya nagtatrabaho. Ito ang dahilan kung bakit napatigil ang ilang idustriya doon kabilang na ang kanyang mga pinagtatrabahuhan.

Noong una raw ay housemaid ang kanyang unang naging trabaho noong unang dumating siya sa UAE.


Ayon sa Pinay OFW kahuli-hulihang pera na niya sa kanyang wallet ang AED60 o mahigit Php.820 at pikit mata niyang itinaya ito sa  sa lotto.

Aniya, bago siya manalo sa lotto ay tatlong buwan na siyang walang trabaho at hindi  alam kung saan kukuha ng panggastos. Nagsara umano ang kanyang pinagtatrabahihang kumpanya upang makaiwas sa kumakalat na sakit. Ito ang nagtulak sa kanya upang tumaya sa lotto.


Pagsasaad ni Remedios, nananalangin daw siya na kahit apat na numero lang ay sana daw ay makuha niya. Subalit lakit gulat  niya na pati ang ika limang numero ang maswerte niyang nakuha.


Hindi umano siya makapaniwala na AED333,333 o nasa Php.4.5 milyong piso ang kanyang napanalunan. napakalayong halaga mula sa huli niyang pera na AED60 lamang.

Sobrang naiyak ang Pinay OFW dahil bago nya umano makamit ang swerteng ito ay labis na hirap ang kanyang pinagdaanan.

Dahil sa laki ng perang nakuha ay maari na umano siyang makapagpagawa ng sarili niyang bahay sa Pilipinas at makapagsimula ng kanyang negosyo. 

Hindi na umano niya aalalahanin pa ang kanyang asawa na bed ridden na dahil sa kanyang swerteng iuuwi.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment