Monday, January 4, 2021

Gusto mo yumaman ngayong 2021? Alamin ang mga milyonaryo habits na ito!

0


"Paano ba ako yayaman?" Yan ang kalimitang tanong ng marami sa kanilang mga sarili. "Ano ba ang dapat kong gawin para umangat ang pamumuhay? Paano ko mabibigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya ko?" Iilang lamang yan sa mga tanong na araw-araw nang pumapasok sa isip natin at patuloy pa rin nating sinasagot.

Kasabay na rin ng mga ito ang mga tanong na "Bakit ang mayayaman ay patuloy na yumayaman at ang mahihirap patuloy na naghihirap?" Maraming itong dahilan, ang estado sa buhay ng isang tao maging mayaman man o mahirap ay hindi biglaan o nagkataon lamang, ito ay bunga ng pag-uugali at mga habit.

Ang mga mayayaman ay patuloy na yumayaman dahil nagkaroon na sila ng pag-uugali o habits na makakatulong sa kanila upang lalo pang madagdagan ang kanilang yaman. Ang mga habits na ito ay hindi lamang kung anu-anung habits, ito yung mga ugaling makatutulong sa kanila upang maging matagumpay sa buhay. Mga pag-uugali na makatutulong rin sayo upang maging matagumpay sa buhay.

Narito ang mga habits o pag-uugali ng mayayaman na magpapayaman rin sayo.


Habit of Positivity

Ang mga mayayaman ay palaging positibo magisip. Sa mga nakikita nila lagi nilang nakikita kung anu yung postibo sa isang bagay, ang iniisip nila ay yung oportunidad na pwedeng makuha sa mga bagay bagay na nangyayari. Hindi nila nakikita ang problema, ang nakikita nila ay ang oportunidad, sabi nga "They see a solution in every problem" sa kabiktaran naman ang mga negative na tao "They see a problem in every solution" ibig sabihin nito, ang mga negatibong magisipna mga tao ay kahit anung solusyon sa problema ang gawin nila palaging problema pa rin ang nakikita nila.

Karamihan satin ay negatibo sa pag-iisip, "Paano kung di ako kumita? Paano kung malugi ang negosyo ko?" Ito ay isa sa mga problema natin, nauuna ang ating negatibong pag-iisip bago pa man tayo gumawa ng isang desisyon kaya hindi umuunlad.

Kaya imbis na negatibo ang ating pagiisip, sanayin natin ang ating mga sarili sa positbong pag-iisip, sanayin natin makita ang oportunidad sa bawat problema


Habit of Setting Priorities

Bukod sa pag-sisimula ng kanilang araw ng maaga, ang mga mayayaman ay gumagawa ng listahan ng kanilang prayoridad sa araw na iyon. Dito nila sinusimulang ang araw nila, dahil dito ay umpisa pa lang ng araw ay alam na nila ang mga dapat nilang matapos sa araw na yun.

Paano ba nila ito ginagawa? Sa simpleng pagsulat sa isang papel ng lahat ng dapat mong gawin sa araw na yun ay pwede na. Kapag naisulat mo na ang mga dapat mong gawin, piliin mo sa mga nakalista ang iyong pinaka-kailangan o ang mga gawaing makatutulong sayo para umunlad. Alisin sa listahan ang mga bagay na mag-aaksaya lamang ng oras mo. Pagkatapos nito ay gumawa ng sistema paano matatapos ang lahat ng ito sa buong araw, kung anung sa mga nakalista ang iyong uunahin o gaano katagal ang ibibigay mo sa iyong sarili para matapos mo ang isang gawain.

Sa paraang ito magagamit mo ng tama ang bawat oras at minuto sa araw na yun.


Habit of Hardwork


Ang mga mayayaman o mga milyonaryo ay hindi nakuha ang kanilang pagunlad ng biglaan, kanila rin itong pinagtrabahuhan, pinagpuyatan at pinuhunan ng dugo at pawis. At sa panahon na yun, nabuo nila sa sarili nila ang habit of hardwork. Ang mga mayayaman sobrang hardworking. Akala lang natin na masarap na ang buhay nila, ngunit hindi kaya sila patuloy na yumayaman ay dahil patuloy pa rin nilang pinagttrabahuhan ang kanilang pera. Ginagawa nilang umaga ang gabi at gabi ang umaga para lang makuha nila ang lahat ng oportunidad na pwede nilang makuha.

Kung gagayahin mo rin ito na kung magsisikap at magttrabaho ng maigi, darating ang araw na lahat ng ito ay magbubunga. Lahat ng hirap at pagti-tyaga mo ay may naghihintay ring kapalit.


Habit of Budgeting

Siguro isa na rin ito sa mga bagay na nalilimot nating gawin kapag darating na ang araw ng sweldo. Nalilimot nating mag-budget, nakakalimutan nating ilaan ang mga pera sa dapat na mga bayarin. Ang resulta tuloy bago pa man dumating ang susunod na sweldo ubos na ang budget at hindi pa nababayaran ang mga bayarin.

Maari itong maiwasan kung uugaliin lang natin na mag-budget ng ating mga pera. Ilaan agad ang mga pambayad ng bills, kuryente, tubig, renta, matrikula, internet, utang at iba pang mga kailangan bayaran. Sa paraang ito wala kang dapat ipangamba na mapuputulan kayo ng tubig o kuryente dahil sa umpisa pa lang ay naglaan ka na ng budget para rito.

Ganito rin ang mga mauunlad na tao, bago pa man dumating sa kanila ang pera, alam na nila kung saan saan nila ilalagay ito. Dahil dito nakakasisiguro sila na wala na silang dapat intindihin pang bayarin dahil nagawa na nila iyong paglaanan una pa lamang.


Habit of Saving

Wala pang naging mayaman o naging milyonaryo nang hindi nag-iipon. Lahat sila marunong mag-ipon, kaya hindi na rin nakakapagtaka na umunlad sila at yumaman. Kung ang tao ay waldas puro gastos at hindi nag-iipon hindi nalalayong maghirap at malubog sa utang. Walang ipon, walang puhunan, walang pang-negosyo, kapag walang pang-negosyo walang kikitain, isa itong sanga sangang proseso.

Maari kang magsimula sa maliit na mahalaga, ilagay mo sa isang alkansya. Hindi mahalaga kung malaki ang naiipon mo. Ang importante ay ang mismong pagiipon, dahil dito ay ma-develop mo ang habit ng pag-iipon.


Habit of Long Term Thinking

Nitong nakaraang taon ay dumaan tayo sa krisis. Maraming negosyo ang nagsara, maraming tao ang nawalan ng hanap-buhay. Ngunit sino ba ang handa sa mga bagay na ito? Ito ay yung mga taong may long term thinking o nag-iisip kung anu ang pwedeng mangyari sa hinaharap. Isa ito sa paguugali ng mga mayayaman. Iniisip na nila ang mangyayari sa hinaharap para mapag-handaan nila ito. May kasabihan nga "Hope for the best, Expect for the worst.".

Sa sarili mo, may plano ka ba sa future mo? Anung gusto mong marating sa susunod na taon? Ang mga mahihirap ay hindi iniisip kung anung meron sa hinaharap sa halip ay iniisip lang nila ang sa ngayun, nagttrabaho lang at hinahayaan lang kung anung mangyayari sa araw-araw.

Gamitin mo ang long term thinking para makagawa ng ng goals. Isipin mo kung anung gusto mong makamit sa loob ng limang taon, pagkatapos ay gumawa ka ng sistema o mga dapat mong gawin para makamit mo ang goals na iyon.

p>Habit of Discipline

Ikaw disiplinado ka ba? Disiplinado sa paraan na kapag sinimulan mo ang isang bagay ay tinatapos mo ito? Sinimulan mong mag-negosyo hindi kumikita ayaw mo na. Sinimulang magtinda kinatamaran ayaw mo na. Kung ganito ang magiging ugali ng ma tao na walang disiplina at gusto palaging mabilisan, wala talagang mararating. Kung gusto mo talagang maging mayaman o milyonaryo kailangan mong maging disiplinado.

May mga araw na ayaw mong bumangon, may mga araw na ayaw mong pumasok sa eskwela, may mga araw na ayaw mong magtrabaho ngunit kailangan mong gawin, kailangan mong maging disiplinado na gawin lahat ng iyon upang ikaw ay umunlad.

Habit of Creating Opportunity

Para sa mayayaman, ang pagtatayo ng negosyo, paghahanap ng iba pang pagkakakitaan ay ginagawa nila hindi dahil kailangan nila o dahil gusto nila, iyon ay habit na nila. Kaya ang isang milyonaryo ay hindi lamang kumikita sa iisang negosyo. Marami silang pinagkukunan ng kita. Dahil palagi sila gumagawa ng oprtunidad.

Kapag ikaw ay nagkaroon nitong habit of creating opportunity, makakakita ka ng oprtunidad sa lahat ng bagay, makagagawa ng mga oprtunidad sa iba't ibang bagay na gusto mo, at mas maraming oprtunidad, mas maraming pagkakakitaan, mas lalaki ang kikitain mas yayaman ka rin.

Habit of being a Wise Spender

Naranasan mo na bang gumastos nang mas malaki sa iyong sweldo? O nangutang ka ng isang bagay na mas malaki pa sa iyong buwanang sahod? May tinatawag tayong "Lifestyle Inflation" ibig sabihin kapag tumaas ang yung kinikita ay tumataas din ang iyong gastos. Kung ganito ang paguugali mo, walang dudang wala kang maiipon at mababaon pa sa utang.

Ang mga mayayaman ay hindi gumagastos ng lagpas sa kanilang kinikita. Hindi sila nagsikap na yumaman para lang sa papuri ng ng tao. Nagsikap silang yumaman upang magkaroon ng financial freedom o yung sapat na kakayanan para maibigay ang mga gusto o hiling mo sa buhay. Kung mapapansin mo ang mga milyonaryo kagaya ni Mark Zuckerberg, wala kang makikitang mamahaling suot niya, ibig sabihin hindi nya nilalagay ang kinikita niya para makita sa panlabas nya na mayaman siya. Sa halip ay nilalagay nya ito sa kanyang mga investments.

Hindi masamang bumili ka ng mga mamahaling damit, bagong gadgets o mamahaling sasakyan, ngunit ang tunay na milyonaryo ang tunay na mayayaman ay hindi nagpapakitang-tao, ang mga tunay na milyonaryo ay ginagamit ang kanilang pera upang kumita pa ng mas malaking pera.


Habit of Learning

Para maging maunlad o maging mayaman kailangan mo ng habit of learning. Paano mo matututunang mag-budget, mag-save, gumawa ng opporutnities kung hindi ka mag-aaral. Ang lahat ng paraan para yumaman ay may kaakibat na pag-aaral. Kung gusto mo magnegosyo, kailangan mong pag-aralan ang law of supply and demands, paano mo ppresuhan ang iyong produkto?, paano mo imamarket ang negosyo mo? lahat ng ito ay kinakailangan pag-aralan.

Ugaliin ang pagbabasa ng libro o manood ng mga video tutorials kung paano magnegosyo o paano maginvest. Ang pagkakaroon ng habit of learning ay magbibigay sayo ng malaking tulong upang malawak pa ang iyong kaalaman sa buhay.


Ilan lamang iyan sa mga habis o pag-uugali ng mga mayayaman na maaring makatulong rin sa iyong pagyaman, Sabi nga sa isang pag-aaral inaabot ng 66 na araw bago ang isang bagay o gawain ay maging habit mo na. Ibig sabihin, kung araw araw mong sinasanay at ginagawa ang mga kaugaliang ito hindi malayong pagdating ng araw ay isa ka nang milyornayo.


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment