Tila byaheng impyerno ang sinapit ng mga pasahero ng bus na byaheng Fairview na gumulantang sa ating lahat kahapon.
Nakakagulat ang sumalubong na balita sa ating ngayong 2021 matapos mapabalita ang sinapit ng Fairview bus tatlong araw matapos nating salubungin ang bagong taon.
Nangyari ang insidente sa Pearl Drive, Commonwealth ave., Souhbound lane ng Quezon City kung saan dalawa ang kumpirmadong nama.tay.
Sa ulat ni Jhomer Apresto, isang GMA new correspondent, nagsimula ang lahat dahil sa naging alitan ng isang babaeng konduktor at lalaking pasahero.
Kwento ng mga nakasaksi, bago maganap ang insidente ay nagtatalo umano ang dalawa tungkol sa lugar na dapat ay bababaan ng lalaki.
Nagpatuloy ang pag aaway ng dalawa dahil sa Cubao raw uano gustong bumaba ng lalaki ngunit sinabi ng konduktora na hindi sila titigi roon. Nagkasakitan pa umano ang dalawa.
Nang dahil dito ang natumba ang konduktor na babae at nung ito ay tumayo agad ay bigla umano itong sinabuyan ng gaas ng lalaking kaaway nito at saka biglaang sinilaban ang babae gamit ang dala nitong lighther.
Nagtangka pa umano ang babae na lumabang bus ngunit hindi na nya ito nagawa sapagka hinarang siya ng lalaking sumunog mismo sa kanya.
Source: The Philippine Times