Talaga namang hindi matatawaran ang talento ni Alex Gonzaga pag dating sa pagpapatawa.
Naging usap-usapang ngayon ang rebelasyon ni Alex Gonzaga ang pagpapakasal nila ng kanyang fiancé na si Mikke Morada.
Noong isang taon lamang nung na-engage ang host-vlogger sa kanyang long term boyfriend na si Batangas councilor Michael "Mikee" Morada.
Sa latest vlog ni Alex, inamin nila ni Mikee na sila ay kasal na. Simula pa umano ng November noong nakaraang taon ay kasal na sila.
Sinabi ni Alex ang magandang balitang ito noong kaarawan nila parehong araw noong isang taong ng kanyang ibinahagi na sila ay engaged na.
Sinabi ng actress-host na marami ang nagtatanong sakanila kung kailan nga ba sila ikakasal ni Mikee.
"Kailan nga ba ang kasal natin?" tanong ni Alex kay Mikee.
Agad din sumagot si Alex na, “Tapos na. Tapos na po kami kinasal na po kami.”
Source: The Philippine Times