Monday, December 28, 2020

Zeinab Harake, ipinatulfo ng isang malapit na kaibigan!

0

 Trending ngayon ang video na in-upload ng Raffy Tulfo In Action sa kanilang youtube channel. Ito ay ang video kung saan ipinatulfo ng matalik na kaibigan ni Zeinab Harake na si Wilbert Tolentino.


Matatandaang nito lamang ay gumawa ng ingay itong si Zeinab matapos niyang amainin sa lahat ang kanyang pagbubuntis at kung sino ang ama ng kanyang dinadala. 

Maraming nadismaya sa kanyang naging anunsyo dahil maraming beses na umano siya niloko ni Skusta Clee at sinabi niyang hindi na niya ito babalikan.


Ngunit mas marami ang sumuporta sa vlogger at naghatid ng pagmamahal para sa kanilang idolo.



Sinabi rin niyang maselan ang kanyang pagbubuntis kung kaya't hindi nya agad ito inamin upang makaiwas sa stress at para mapangalagaan ang kanyang sarili.

Ngunit tila hindi ito alintana ng isa sa kanyang malapit na kaibigan na si Wilbert Tolentino.


Si Wilbert ay isang vlogger at business man na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Zeinab. Sa katunayan si Zeinab ang tumutulong sa kanya upang mapalapit sa iba't ibat malalaking youtube vlogger. Kagaya nalang nila Donnalyn Bartolome, Jelai Andres, Jamill at marami pang iba.


Ngayong araw lamang ay na-upload ang RTIA sa kanilang youtube channel ang naging panayam nito kay Wilbert at Zeinab.



Dito ay idinetalye ni Wilbert ang lahat ng pangyayari. Di umano ay ini-scam siya ni Zeinab. May isang video umano na ginawa sila ni Zeinab na dapat ay ia-upload sa youtube channel ni Wilbert. Ito ay ang 'itlog Challenge" ngunit sinabi umano ni Zeinab na nasira ang naturang video. Humiram rin umano ng Php50,00 ang empleyado ni Zeinab at hindi na ito binayaran.


Ito umano ang nagtulak sa kanya upang lumapit kay sa Programa ni Raffy Tulfo. Sinabi ni Wilbert na hindi propesyunal si Zeinab dahil sa ginawa nito at tila niloloko lamang siya nito at ang totoo ay ayaw lang nitong ibigay ang video sa kanya.

Sinabi naman ni Zeinab na ibabalik niya ang pera na kinuha sa kanya ng kanyang empleyado maging ang laptop na ginamit nila upang maretrieve umano ang video content nila ni Wilbert.


"Sira po yug file wala po akong magagawa don" Saad ni Zeinab


"Kung pinush nya na scam? kailangan ko rin po Sir Raffy na kumausap ng abogado tungkol dyan. Kasi parang sobrang bigat naman po ng bintang nya sakin" Dagdag pa niya.


Sa huli ay hindi na nakasagot si Wilbert at inintay nalang ang hatol ni Idol kung ano ang dapat gawin.

Di nagtagal ay inamin narin nila na pinaprank lang nila si Zeinab at lahat ng sinabi ni Wilbert ay walang katotohanan.



Ngunit tila desidido naman si Zeinab na ituloy ang demanda sa kaibigang si Wilbert. Hindi natuwa ang dalaga sa ginawa ni Wilbert dahil nasira umano ang pangalan niya at buntis umano siya.

"Kasi sir nagpapahinga ko, tumawag po yung staff yo eh buntis po ako pag gising ko ganito yung malalaman ko?" emosyonal na pahayag ni Zeinab

Agad na humingi ng paumanhin si Idol Raffy sa nangyari.



Sa puntong ito ay tila kinakabahan na si Sir Raffy at si Wilbert. Ngunit sa huli ay inamin naman ni Zeinab na si Wilbert ang pinaprank nila at hindi totoong magdedemanda sya. Masayng masaya ang mga tiga panood sa nasabing videong ito.


Narito ang kabuuan ng video:









 




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment