"Roxanne is officially married, I am taken" Kasal na ang sexy actress na si Roxanne Barcello.
Ito ang supresang pag aanunsyo niya sa kanyang 12-part update sa kanyang youtube channel.
Sinabi nya lahat sa kanyang vlog kung paano sya nagkaroon ng relasyon, na-engaged, hanngang sa siya ay kinasal.
At ang lahat ng ito ay nangyari sa gitna ng pandemya.
Nitong Marso taong kasalukuyan ibinahagi ni Roxane na may roon syang non-showbiz boyfriend, ngunit hindi na niya masyadong idinetalye ang nangyayari sa anilang relasyon.
Bago ito ay napabalita muna na nagkaroon sila ng relasyon ni Will Devaughn. Noong 2018 sila naghiwalay matapos ang apat na taon na relasyon.
"Guess who has a boyfriend!"
Ito ang masaya niyang ibinahagi sa kanyang mga update sa kanyang Youtube Channel na in-upload niya isang araw bago ang pasko, Disyembre 24, 2020.
Sinabi niya ang kanyang nararamadaman sa lalaking ito at kung paano niya naramdamn na siya na ang tamang tao para sa kanya. Sinabi nya rin kung paano siya iniligtas ng kanyang nobyo noong bagy0ng Ulysses.
"Sinundo si Nanay from the house. Binuhat siya ng partner ko palabas ng balur" Saad ng aktres.
"and then saka sya sinakay sa jet ski. Hindi siya nadaplisan ng tubig. Hindi siya naglakad sa burak"
"I'm so happy that my partner is on another level of understanding with my nanay"
Sa kanyang ika siyam na entry sa kanyang update, sinabi ni Roxanne na siya ang engaged na.
"Roxanne is officially married, I am taken"
"Like I said in my vlogs before, he's worth the wait. And guess what, so am I."
Binabati ka namin Roxanne!
Source: The Philippine Times












