Sunday, December 27, 2020

Janella Salvador, nakatanggap ng hindi magandang komento matapos magbitaw ng hindi magandang tweet tungkol sa mga Pilipino.

0
 

Hindi na nakapagtimpi si Janella Salvador sa lahat ng nanglalait sa kanyang katawan ngayong holiday season.



Sa huling quarter ng 2020 gumawa ng ingay itong si Janella sa social media, ito ay matapos ang pagamin niya sa kanilang relasyon ni Markus Peterson at ang usap-uspan na buntis siya sa anak nito.



Maraming ang nagbigay kahulugan sa mga larawan na kumakalat ng dalawa. Marami ang nagsasabi na kaya umamin si Janella sa kanilang relasyon ay dahil magiging ina na ito.


Dahil narin sa balitang pagbubuntis, marami ang nakapansin sa kanyang pisikal na anyo. Marami ang nagsasabi na tumaba umano si Janella. Noong nakaraan lamang ay sinagot nya ang ilan sa kanyang mga bashers dahil tinatago nya umano ang kanyang pagbubuntis.


Nagtweet si ang 22 anyos na aktres nitong Sabado lamang at sinabi niyang, " Filipinos are the worst body shamers.



Ngunit hindi malinaw kung bakit ito nai-post ni Janella. Marami ang nagsabi na ito ay dahil sa mga komento na natanggap nya sa kanyang instagram account kung saan makikitang magkasama sila ng kanyang nobyong si Markus.


Maraming positibong komento natanggap ang aktres sa video na kanyang ipi-nost. Dahil narin ito sa pagigingmasaya ng dalawa sa kanilang relasyon.



Ngunit arami parin ang komento tungkol sa pangangatawan at istura ni Janella. May nagsabi na kahit mataba siya ay maganda parin ang aktres.



May nagsabi pa na, "kakapanganak lang siguro".

Sa halip na makomento ng direkta sa kanyang mga bashers. nag tweet na lamang ang aktres.



“Filipinos are the worst body shamers,” saad niya.


Dagdag pa niya, “Let me enjoy my Christmas pudding in peace. Happy holidays to you too!”



Sa ngayon ay nasa United Kingdom si Janella kung saan siya ang nagbabakasyon kasama ang kanyang nobyo na si Markus.


Anong masasabi mo sa balitang ito? maari mong ibahagi sa amin ang iyong reaksyon. Mag-comment lamang sa ibaba!




Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment