Emosyonal na ibinahagi ni China Roces ang kanilang opisyal na paghihiwalay ni Tim Sawyer. Ito ay matapos nilang subukang magbalikan at ayusin muli ang lahat.
Matatandaang nagviral kamakailan lamang ang dalawa matapos maglive video itong si China at ibulgar lahat ng nangyayari sa kanilang relasyon ni Tim.
Sinabi Ni China na nagbababae umano ang kanyang partner.
Dagdag pa nya, bumili umano ng bahya si Tim ng hindi niya nalalaman dahil umano naghahanda na ito para sa kanilang paghihiwalay.
Ang isyu nilang ito ay umabot pa sa programang Raffy Tulfo in Action, kung saan ay sinubukan muli nilang ayusin ang kanilang pagsasama sa pangalawang pagkakataon.
Sa isang video na ipi-nost ni China, naging emosyonal siya dahil hindi niya alam kung paano nila sasalubungin ang pasko ng wala si Tim Sawyer.
Sinabi rin ni China na marami umano siyang natanggap na biyaya ngayong taon at ang pagkakaroon ng Christmas tree at bahay ay isa sa kanyang mga panugarap na natupad.
Dapat umano ay doon sila sa bahay niya magdidiwang ng pasko kasama ang kanyang sariling pamilya. Ngunit hindi sila magkasama ni Tim ngayong holiday season kaya't ito ang labis na nagpaluha sa vlogger.
"Ang masaklap kasi na nangyari ngayong pasko, yung first time na Christmas ko sana kasama kasama pamilya ko yung anak ko, yung asawa ko... dito sa bahay yung pamilya ko" umiiyak na sinasabi ni China.
Ngunit sinabi naman niyang sa bahay ng magulang niya sila magdidiwang ng pasko.
"Sobrang nakakalungkot lang kasi pangarap ko to"
Bumuhos ang luha niya ng sabihin niyang sinubukan naman umano niyang isalba ang kanilang relasyon. Ngunit hindi umano sila nagkaayos ni Tim.
Samantala, maraming mga taga suporta ni China ang talaga namang sumuporta at nagpaabot ng pagmamahal sa sakanya.
Anong masasabi mo sa balitang ito? maari mong ibahagi sa amin ang iyong reaksyon. Mag-comment lamang sa ibaba!
Source: The Philippine Times












