Inihayag ni Raffy Tulfo sa kanyang manager na si Ogie Diaz na ang viral na isyu sa Tekla-Michelle ay hindi kumita ng malaki sa YouTube dahil sa ilang sensitibong kadahilanan.

Sa kamakailang vlog ni Ogie, kasama ang tanyag na estilista na si Mama Loi, ibinulgar daw ni Idol Raffy na ang mga videos ng interview ni Michelle Lhor Bana-ag ay nakakuha ng red-flag mula sa YouTube.

“Dahil ako ay manager ni Raffy, may kumalabit sa akin, ‘Ang laki siguro ng kinita ni Raffy Tulfo doon sa pagpapa-interview ni Michelle’, yung live-in partner ni Tekla. Kasi ginawa raw series ng 'Raffy Tulfo in Action' ‘yung pagpapa-interview ni Michelle.”

Just to let you know, ‘yun pong mga videos na ‘yun ay na-red flag. Ibig sabihin, na-dilaw o na-red, kapag na-red walang pumapasok na ads. ‘Pag po dilaw, limited lang ‘yung ads na pumapasok. So ang hina rin ng daloy ng ads. ‘Yun po ‘yung naranasan ng Michelle-Tekla series,” ayon kay Ogie.

“Kasi sinasabi nga nila Nay, may presyo pa nga, na parang 9.1 million ‘yung kinita ni Kuya Raffy,” tanong ni Mama Loi kay Ogie.

Pagkatapos ay isiwalat ang talent manager, “Naku, hindi po totoo. Hindi siya masyadong kumita doon.”

Nilinaw din ni Idol Raffy kay Ogie na nai-upload nila ang Tekla-Michelle series hindi dahil may kasamang celebrity.

>
“Ang katwiran ni Kuya Raffy ay ‘lahat naman ng fini-feature namin sa 'Raffy Tulfo in Action', sa 'Wanted sa Radyo', ay inilalagay namin sa ano (YouTube), hindi dahil iyan ay sangkot ng artista, sangkot si Tekla kaya namin nilalabas'."

“Pero ‘yung kita, na-red-flag kami. Hindi kami kumita,” Ayon sa panayam ni Ogie kay Idol Raffy.

“Siyempre medyo maselan ‘yung issue, may minors na involved, tapos meron ding medyo naging graphic si Michelle sa paglalarawan niya kung ano ‘yung ginawa ni Tekla.”

Panoorin ang video dito. Ang talakayan sa isyu ng Tekla-Michelle ay nagsisimula sa 11:20 mark ng video na ito:
Source: The Philippine Times