Thursday, October 22, 2020

Super Tekla nagsalita na tungkol sa mga paratang ng live-in partner niya!

0

Laman ngayon ng social media si Super Tekla o Romeo Librada sa totoong buhay, matapos magtungo ang kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programang Raffy Tulfo in Action at inireklamo nito si Tekla dahil sa mga kababuyan umanong ginawa nito.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagtungo ang live-in partner ni Tekla na si Michelle sa programang Raffy Tulfo in Action at nireklamo nito ang kumidyante na pinipilit umano nito siyang makipagt*lik kahit kakapanganak pa lamang nito at masama ang kanyang pakiramdam. 


Binulgar din niya na gumagawa ito ng kababuyan sa harap ng kanyang anak at pamangkin ni Michelle. Dagdag pa niya, hindi raw siya bibigyan ng pera para pangkain o pang-gastos kung tatanggi itong makipagt*lik.


“Hawak ko po yung anak ko, natutulog po sa tabi tapos kukunin po niya. Magmamasturb*te po sya. Tapos may time po pinapadede ko yung anak ko, dumikit po siya sakin tapos hinawakan niya po yung maselang parte ng katawan ko.

Tinatabig ko po siya, tapos hinayaan ko na lang po siya hanggang sa nag-masturb*te na lang po siya.”


Ilang araw ding hindi nanahimik si Super Tekla tungkol sa issue na ito. Ayon sa kanyang kaibigan na si Donita Nose, hindi daw ito makapagbigay ng kanyang side dahil sa contrata nito sa GMA at lagi daw itong nasa taping. 

Ngunit ngayong araw, October 22, 2020 nagbigay na ng statement si Tekla tungkol sa mga paratang ni Michelle sakanya sa pamamagitan ng video mula sa GMA.


"Hindi totoo 'yan, ako nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa 'yan Michelle, utang na loob may anak akong babae Michelle si Aira, may mga kapatid akong babae. Mahirap lang kami Michelle sa bukid alam mo ang background ng family ko." aniya sa interview.


Sa isang panayam, emosyonal na humarap si Tekla at sinagot ang mga paratang laban sa kanya.


"Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay, usapin natin Michelle 'yan, usapin ng pamilya 'yan. Isang napakasensitibong usapin 'yan Michelle Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan." ayon kay Tekla.

Ayon kay Tekla, ang isyu ay sensiibo at dapat pinag-uusapan nilang pamilya. Itinanggi din ni Tekla ang mga akusasyon ni Michelle sakanya.


"parte ng pagsasama natin 'yan Michelle na ipinagkakait mo sa akin ginagawa mo akong tanga at timawa d'yan, 'yun ang totoo pero ano'ng ginagawa ko Michelle? Naga-adjust ako kasi nanay ka ng anak ko eh."

Tinanggi din ni Tekla na ginugutom niya ang kanyang pamilya. 

"Hindi ko kayo pinagpagutuman, alam mo 'yan alam n'yo 'yan Shabi, alam n'yo 'yan Enrico lahat. Naglaan pa ko ng GCash para sa inyong lahat para anytime hindi na lalabas dahil pandemic."


Hindi rin daw niya pinababayaan ang kanyang anak. 

Ipinanganak na may anorectal malformation ang anak ni Tekla na si Angelo. Matagumpay namang naoperahan si Baby Angelo dahil na rin sa mga natanggap nilang tulong mula sa mga kasamahan ni Tekla sa industriya.


"Siya ang hindi pumupunta sa ospital. Ako, kani-kanino ako humapit ng tulong para maligtas iyang batang iyan dahil hindi mo inalagaan iyan sa sinapupunan mo. Alam mo ang kwento niyan, Michelle."

Itinaggi rin ni Tekla na gumagamit pa siya ng ipinagbabawal na gamot. Handa naman daw si Tekla na dumaan sa drug test para patunayan na wala na siyang bisyo. 

Dagdag pa ni Tekla, nagulat siya na ganito ang gagawin ni Michelle sakanya.


"Michelle karapatan mo 'yun. noong una pa lang, binlock nyo na ko sa Facebook. Wala akong idea nagkalabuan tayo gusto mong makipaghiwalay sa akin. Hindi ko pinagsusuksukan 'yung sarili ko sa inyo, Michelle. Alam mo yan sa sarili mo. Alam mo yan, Michelle. Six years. Magsi-six years anim na taon ko kayong inaruga. Six years wasted lahat."

Anong masasabi mo dito? Sino sa tingin mo ang tama at mali dito? Ibahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin...


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment