Monday, October 12, 2020

Sinasabing "babae" ni Christian Merck Grey, NAGSALITA NA!

0


Laman ngayon ng mga social media sites ang isyu ng dating magkasintahang vlogger-couple na si Caffey Namindang at Christian Merck Grey na mas kilala bilang MAKAGANDA at MAKAGWAPO o Meffey.


Nagviral ang magkasintahang vlogger na ito matapos ibulgar ni Caffey ang tunay na ugali at mga pinagdaanan niya kay Merck sa pamamagitan ng isang Facebook live.


Sa live ni Caffey, binunyag niyang ginamit lamang siya ni Merck para kumita ng pera at ang mga video nilang iupload sa Youtube channel ay scripted lamang. Pinilit din daw siyang magsuot ng mga revealing outfits para magkaroon ng maraming views ngunit P5,000 lamang daw ang binibigay ni Merck kay Caffey at sa Ina nito. Nabanggit din ni Caffey ang isang babaeng nagngangalang Pam Esguerra na umano'y "babae" ni Merck.


Lubos naman nagalit ang mga fans at netizens sa ginawang ito ni Merck. Marami ang nag subscribe sa channel nito at sandamak-mak na puna ang natamo nito sa mula sa mga netizens at fans.


Sa gitna nito, sa wakas ay nagsalita si Pam Esguerra tungkol sa mga isyung binabato sa kanya.


Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, nilinaw ni Pam ang issue na siya ang sinasabing babae ni Merck.



“HAHAHAHAHA SERYOSO KAYO DYAN? NAKIPAG COLLAB LANG AKO SA SCRIPTED NILANG CONTENT TAS NAWALA LANG BOYFRIEND MO SA AKIN MO NA ISISISI?” ayon sa post ni Pam.


Ipinahayag din niya na nakipagcollab lamang siya kay Merck kaya nakita silang magkasama.


“Natural sa collab na dalawa kayong merong i-upload sa kanya-kanyang youtube channel nyo. Kung nanonood kayo ng vlogs ko “Travel vlog” ang content ko. Magkaiba kami ng sasakyan ni Merck pero travel vlog ang gagawin,” dagdag pa niya.



Sinabi pa ni Pam na ang hotel sa background ng kanyang larawan ay isa sa mga sponsor niya na kailangan niyang i-promote.


Idinagdag niya na nasa isang relasyon na siya at pinili na lamang niyang itago ito sa publiko.


Narito ang kanyang post...

Anong masasabi niyo dito? Bahagi niyo lamang ang inyong mga saloobin sa comments...


Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment