Monday, October 12, 2020

Janine Berdin matapang na sinagot ang tanong kung RETOKADA siya!

0

Matatandaang nagviral ang singer-songwriter na si Janine Berdin matapos nitong gulatin ang mga netizens sa mga bagong litratong lumabas online.



Maraming netizen ang nagreact sa mga litratong ito ni Janine. Naintriga ang mga ito dahil sa kapansin-pansing pagbabago sa kanyang mukha.



Noong October 11, lumabas sa programang Gabing Gabi na Vice ang singer na si Janine Berdin upang mag-guest sa naturang online show.




Sa programa, hindi na napigilan ng sikat na komedyanteng host na si Vice Ganda na tanungin si Janine tungkol sa pagbabagong nangyari sa kanyang anyo.




Walang takot namang hinarap at sinagot ni Janine. 



Nabanggit ni Vice Ganda kung nagpa-enhance ba siya ng kanyang facial feature at agad namang sinagot ito ni Janine at matapang na inamin na nagpa-ayos ito ng kanyang ilong.



Dagdag ni Vice, parang pati raw ang mga mata ni Janine ay parang nabanat ng bahagya dahil malapit lamang daw ito sa ilong. 




Napangiti na lamang si Janine sa sinabi ni Vice na ito.




Ayon sa dalaga, matagal na daw niyang insecurity ang kanyang ilong at naging dahilan ito ng kanyang kalungkutan. Kahit daw sobrang blessed na niya noon, parang may lungkot pa rin daw siyang nararamdaman.



Panuorin: 



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment