
Isang bulaklak na namumulaklak. Ganyan nahalintulad at napansin ng mga netizens ang Kapamilya Actress na si Xyriel Manabat na isa sa mga kilalang child star ABS-CBN noon.


Maraming netizen ang nakapansin sa mga litratong pinost ni Xyriel sa kanyang social media accounts at talaga namang pinagkaguluhan ito ng mga fans at followers niya.


Noong 2010, nakilala na ang dating child star matapos nitong gampanan ang papel na 'Momay' sa ABS-CBN at noong 2011 ay sumikat sa seryeng '100 Days to Heaven' bilang Anna Manalastas.


Isang dekada ang lumipas, ngayon ay nasa edad na 16 na si Xyriel at naghahanda para pumasok sa college. Talaga namang isang dalaga na si Xyriel.



Samantala, sa kanyang Instagram account, ginulat ni Xyriel ang mga netizen matapos makita ang mga larawang ito na kitang kita ang kanyang kagandahan at kung paano siya nag "glow up."

Naalala ng netizens na nagsimula na ang kanyang career sa showbiz industry pagkatapos niyang sumali sa Start Circle Quest noong 2009, at kamakailan lang nila siya nakita na gumanap ng young version ng Kapamilya Actress na si Maja Salvador bilang Lily at Ivy Aguas sa serye ng ABS-CBN na “ Wildflower. "


Source: The Philippine Times
