Alam naman natin kung gaano kahirap ang malayo sa ating pamilya at mga mahal sa buhay. Lalu na ngayong pandemic, maraming tao ang hindi nakikita at nayayakap ang kanilang mga mahal sa buhay. Isama na rin natin ang mga gustong magsilbi sa ating bansa at pumapasok sa training centers.
Gaya na lamang ng netizen na ito na hindi sumuko sa kanyang girlfriend kahit pa malayo siya sa piling nito.
Isang nag ngangalang Mamay Buboy o Bobby Alcaraz Albino ang nagbahagi ng kanyang pinagdaanan sa pagpasok at paglabas ng training center.
Sa kaniyang post, pinagmalaki niya ang kanyang girlfriend na si Krizsa Anne Monday, na hindi siya sinukuan kahit pa nasa loob siya ng training center at wala silang communication. Ayon sakanya, malayo daw sa normal na buhay ng isang sibilyan ang buhay doon at para daw siyang nasa ibang dimensyon dahil wala silang kaalam-alam sa kung ano ang mga nangyayari sa labas.
Inamin din ni Bobby na isa sa pinaka mahirap na pagsubok na hinarap niya ay ang mawalay siya sa mga mahal niya sa buhay. Nag-aalala daw kasi siya na baka sa paglabas niya ng training center ay baka raw may ibang kasintahan na ang kaniyang girlfriend o ang mas malala pa raw ay baka raw iniisip ni Krizsa na may iba na siya sa loob.
Hindi daw sila nakakapag-usap sa loob ng ilang buwan. Dagdag pa niya, nahihirapan daw siya sa kanilang sitwasyon dahil hindi raw sila nakakapag-kamustahan o makapagkita, gaya ng nakasanayan niya sa labas ng center.
Ngunit hindi raw naging dahilan ito upang maghiwalay ang magkasintahan dahil mahal nila ang isa't isa mula sa pagpasok niya hanggang sa paglabas niya sa training center. Sabi rin ni Bobby, pinanghahawakan daw kasi niya ang pangako nila sa isa't isa.
Hindi nagtagal ay natapos na ang kanyang training at lahat raw ng lungkot at hirap na tiniis niya sa loob ng center ay napalitan ng saya.
Pinagmalaki din niya na laging nandiyan ang kanyang kasintahan mula sa kanyang pag-aapply hanggang sa pagkuha niya ng kaniyang unang sweldo.
Nagbigay din si Bobby ng payo sa mga netizens na mahalin ang mga taong nandiyan kahit wala pa silang nararating o napapatunayan at ang mga taong sasasamahan kang abutin ang mga pangarap mo.
Narito ang kanyang buong post:
Pumasok sa training na mahal ka , lumabas sa training na mas mahal ka ♥️.
Kapag pumasok ka na sa mahiwagang training center di mo na alam kung ano ang nangyayari sa labas at para kang nasa ibang dimensyon. Malayo sa normal na buhay ng isang sibilyan. Isa sa pinaka malaking pagsubok ay ang mawalay sa mga mahal sa buhay. Andun ang takot na baka pag labas mo may iba ng boy friend o girl friend yung iniwan natin sa labas. Or the worst iniisip naman nila na may iba na kami sa loob. Walang text , chat o tawag sa halos ilang buwan. Walang kamustahan , walang balita lalot nasanay akong lagi kitang kasama at kausap . Pero dahil mahal natin ang isat isa mula sa pagpasok ko hanggang sa paglabas ko sa training center pinanghawakan ko yung pangako natin sa isat isa. Napalitan ng saya ang mga lungkot at hirap na tiniis ko sa loob sa muli nating pagkikita. Anjan ka mula sa pagaapply ko hanggang sa pagkuha ko ng una kong sweldo .
Kung kinaya natin nung nasa training center pa ako kayanin din natin haggang matapos ang pandemic na to.
Mahalin nyo yung anjan para sa inyo kahit walang wala ka pa at sasamahan kang abutin ang mga pangarap mo.
Di pa tayo kasal pero kasama na kita sa hirap at ginhawa ♥️♥️♥️
Anong masasabi niyo sakanila? Mayroon ka din bang ganitong karelasyon? Yung sinamahan ka sa hirap at ginhawa? Comment down below.
Source: The Philippine Times