Friday, August 14, 2020

Mga Pulis, Binigyan ng Bagong Bike ang Isang Lalaking Gumagamit ng Kiddie Bike

0

Sa sumasailalim ang ilang mga lugar sa bansa sa MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine, pinagbabawalan pa rin ang ilan sa mga public transport. Kaya ang mga kababayan natin na nagtratrabaho, napipilitang gumamit ng bike upang makapasok sa trabaho. Ang ilan naman ay ginagamit ang bike upang maka-tipid dahil sa hirap ng buhay ngayon, mas pipiliin mo na lang mag-tiis para lamang maibigay ang pangangailangan ng iyong pamilya.
Gaya na lamang ng isang security guard na ito mula sa Santa Maria, Bulacan, na nakilala bilang si Victor de Guzman. Nagsusumikap si Victor na makapunta sa trabaho gamit lamang ang isang maliit na kiddie bike.

Malamang ay sapat lamang ang kinikita niya sa pang araw-araw nilang gastusin kaya't hindi na niya nagawang bumili ng bagong bike na tama para sakanyang laki.

Ayon sa source, sampung kilometro raw ang layo ng kanilang bahay sa Santa Maria, Bulacan hanggang sa Norzagaray, Bulacan at binabyahe raw ito ni Victor araw-araw gamit lamang ang isang kiddie bike.
Wala ring suot na mga safety gear si Victor at tanging mga tsinelas lamang ang kaniyang ginagamit upang maipreno ang bike na ito.

Agad na napansin ni Police Staff Sergeant Melvin Rogero na madalas nahihirapan si de Guzman sa gamit niyang bike sa tuwing dadaan ito sa checkpoint nila.

Kaya naman naisipan ni Sergeant Rogero at ng kaniyang mga kaibigan na mag-ambagan sila upang mabilhan ng bagong bike si Victor.

Matapos makalikom ng sapat ng pera, agad na bumili sila ng isang mountain bike para kay de Guzman.
Ikinatuwa naman ito ng de Guzman at ngayon ay hindi na siya mahihirapan pa sa pagpasok sa kaniyang trabaho.



📷: FB/Santa Maria PS
Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment