Arestado ang isang 28-anyos na lalaki matapos mahuli umanong magnakaw ng karne.
Ayon sa report ng Southern Police District, pumasok sa tindahan ang 28-anyos na lalaki bandang alas-7 ng gabi sa isang mini-mart sa Bgy. Ligid-Tipas, Taguig noong Sabado. Nagpuslit palabas ng 2 pakete ng plastic na may lamang frozen na karneng baboy, isang kasim cut at isang marinated na barbecue.

Ang dalawang tig-kalahating kilong pakete ng karne ay nagkakahalaga ng P270.
Ayon din sa report, hinabol pa ng lalaking staff ng mini-mart ang suspek matapos nitong makita sa CCTV camera na lumabas ito nang hindi nagbabayad.

Nahuli siya ng 2 bantay-bayan ng barangay na tumulong sa paghahabol.
Ayon sa pulisya, walang trabaho ang suspek at taga-ibang barangay.
Dinala siya sa Substation 5 sa Tipas bago inilipat ng kulungan sa headquarters ng Taguig City Police.
Narito naman ang ilang komento at reaksyon mula sa mga netizens:














Kayo anong masasabi niyo sa ginawa at nangyari sa lalaking ito? Magcomment lamang kayo..
Source: The Philippine Times