Hindi na nagpatumpiktumpik pa at sinagot kaagad ni Neri Naig- Miranda ang katanungan ng netizenstungkol sa batang babae na kasama sa larawan ng kanilang pamilya.
Masayang ibinahagi ni Mrs. Miranda kamakailan lamang ang kanilang bagong Family picture sa kanyang opisyal na Instagram account. Ngunit hindi inaasahan ng actress turned bussiness woman na mababahiran ito ng mga intriga.
Ang larawang ibinahagi ni Neri ay pagbati niya sa asawa para sa ika-7 taong anibersaryo nila ng asawang si Chito Miranda.
Ayon sa caption ni Neri, “Happy 7th year wedding anniversary, Dad! I love you so much!
You are the best Dad and the best husband! Wala na kaming mahihiling pa.
SEVEN YEARS NA? WOW! matibay tibay helmet ko, haha! Joke lang! Mahal na mahal na mahal kita”
Source: The Philippine Times