Mainit na pinag uusapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na larawan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano.
Hindi maiiwasang sa panahon ngayon, lumaki lang ang tiyan ng isang tao, lalo na kung ikaw ay sikat na personalidad, siguradong trending topic kana agad sa mga Marites ng social media.
Marami ang mag aakalang buntis ka kapag medyo maluwag ang iyong kasuotan o di kaya'y mali ang anggulo mo sa mga laawan. Kung kaya't ngayong Christmas season, mahirap magpakabusog at baka maging tampulan ka ng tsismis ng mga Marites.
At ito na nga ang sinapit ni Liza Soberano ng mapost sa internet ang kanyang pinaka latest na larawan. Sa isang facebook Page na nagngangalang 'Isyus' may mga netizen na naghihinalang buntis umano ang sikat na aktres.
Mahahalata kasi sa nasabing larawan na maluwag ang suot ni Liza na aakalain mong may baby bump na ito.
Ayon pa sa isang netizens napansin umano niya na laging nakatago ang tiyan ni Liza sa kanyang mga larawan sa social media accounts nito. Hindi rin umano nag a-upload ng bagong larawan ang aktres.
Kaya buo na ang usap-usapang nagdadalang tao na nga ang Kapamilya actress.
Ang larawang nakita ng mga netizens ay kuha sa ibang bansa. Makikita sa larawan na masayang magkasama si Liza at ang boyfriend niyang si Enrique Gil.
Doon sila nagdiwang ng pasko kasama ang buong pamilya ng aktor.
Samantala, inulan naman agad ng samut-saring reaksyon ang nasabing post.
Narito ang ilan sa kanila.
Source: The Philippine Times