Friday, November 5, 2021

Video nina Ronie Alonte at Loisa Andalio habang nagluluto, umani ng iba't ibang reaction mula sa netizens

0


 Hindi magkamayaw sa kilig ngayon ang mga netizens dahil sa viral vlog ng magkasintahang sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte.

Sa pinaka huling vlog na in-upload ng dalawa sa kanilang Youtube channel, ipinakita ng magkasintahan kung paano ang pagluluto ng tinola.

Ngunit with a twist ito sapagkat ginagawa nila ang sikat na 'not my arms challenge'

Sa nasabing challenge, si Loisa ang magluluto ngunit kamay ni Ronnie ang gagamitin nito. Nakayakap si Ronnie kay Loisa habang binibigyan niya ng instructons ang nobyo kung paano lutuin ang tinola.\

Makikita sa video na kamay ni Ronnie ang kumikilos sa pagbabalat ng sahog na gulay, naghahalo ng mga sangkap hanggang sa pagluluto ng nasabing putahe

At nang matapos nga ang kanilang pagluluto ay masayang pinagsaluhan ng dalawa ang kanilang nilutong tinola.

Hindi nagtagal ay kaagad naman umani ng iba't ibang reaksyon ang video ng magkasintahan. May ilan pa na tila nagbabala kay Ronnie at nagsabing maghinay hinay lamang sa pagyapos kay Loisa at baka kung saan mapunta ang kamay nito.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens na halatang tuwang tuwa at kilig na kilig sa dalawa.



Narito ang kabuan ng kwela at sweet na video ng dalawa.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment