Wednesday, November 24, 2021

Sikat na vlogger na si Christian Merck Grey, ibinigay na sa asawang si Pam Esguerra ang titulong MakaGanda.

0

 Sinabi mismo ng sikat na Youtube vlogger na si Christian Merck Grey na nararapat sa kanyang misis ang titulong 'MakaGanda' sapagakat sya ang tinatawag na 'MakaGwapo'


Mainit na pinag uusapan ngayon sa social media ang tila ba pag aagawan ng dalawang babae ng titulong 'MakaGanda'


Nakilala ang vlogger na si Merck sa kanyang palayaw na 'MakaGwapo'. Sumikat siya sa alyas na ito at noong mga panahong iyon ay si Caffey Namindang pa ang kanyang Nobya.

Kung kaya naman halos lahat ng kanilang mga taga suporta at fans ay si Caffey ang kinikilalang 'MakaGanda' noon pa man.


Ngunit dahil narin sa hindi magandang paghihiwalay ng dalawa ay tila ba nagbago ang ihip ng hangin. Gusto kais ni Merck na si Pam na na kanyang misis ang tawaging bagong 'MakaGanda'

Ilang araw ang lumipas matapos ang kanilang kasal, ay isinapubliko ng mag asawa na pina-trade mark na nila ang pangalan ni Merck na 'MakaGwapo'


Sinabi ni Merck na tanging ang kanyang misis na si Pam lamang umano ang legal na maaaring gumamit ng trade mark na 'MakaGanda'

Nagpost naman si Pam sa kanyang Facebook account at nagbigay ng babala sa taong patuloy parin sa pag gamit ng alyas na 'MakaGanda'


Saad ni Pam sa kanyang post, “Pina-TRADEMARK NG ASAWA KO ANG MAKAGANDA! (Wala ng ibang pwedeng gumamit ng MAKAGANDA kundi ako lng.) Hindi ko na hahayaan na patuloy pa rin gamitin ang asawa ko para pagkakitaan. Kung sakaling patuloy pa rin itong gagamitin ng iba hindi po ako magdadalawang isip na kasuhan po kayo. Maraming Salamat po”


Ngunit tila ba hindi natuwa si Caffey sa mga sinabing ito ni Pam at umalma ito. Sa Facebook post ng dating nobya ni Merck, sinabi nitong siya ang tunay na 'Makaganda'


Sinabi pa ni Caffey sa comment section na kahit saan pa i-search ang pangalang makaganda ay larawan nya palagi ang lumalabas.


Panoorin dito ang video:



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment