Wednesday, November 24, 2021

Nakakalulang halaga ng nagastos nina Pam Esguerra at Christian Merck Grey sa kanilang kasal viral sa social media.

0

Marami ang humanga sa napakaganda at napaka garbong kasal ng sikat ng couple vlogger na sina Pam Esguerra-Grey at Christian Merck Grey.

 Ito ay dahil sa tila fairy tale wedding nila na hindi maitatangging ginastusan at talaga naman pinaglaanan ng oras ng dalawa.

Nagviral din ang kanilang napaka garbong prenup na ang nag-cover pa ay ang celebrity event videographers at photographers na Nice Print Photography. May temang 80's vibes ang naturang photoshoot ng dalawa.

Sa Bagac Bataan napiling mag photoshoot ng couple na isa sa pinaka sikat na tourist spot doon ang Las Casas Filipinas de Acuzar. Sa itsura pa lamang ng lugar ay masasabi mo ng malaki ang nagastos ng dalawa dahil nasolo nila ito.

Sa isang vlog na inilabas ng mag asawang Grey sa kanilang Youtube channel. Sinabi ng dalawa ang eksaktong presyo ng nagastos nila sa kanilang kasal.

Anila, marami kasi ang nagtatanong na mga fans kung magkano nga ba ang nagastos nila dahil sa ganda ng set up, at ayos ng kanilang kasal.

Sinabi ni Merck na ang total ng kanilang nagastos ay umabot ng tumataginting na 8 million pesos pwera pa ang mga regalo nila sa isa't isa noong kasal at ang engagemnet at wedding ring.

"Sa kasal namin ni Baby ang nagastos namin ay 8 million" Ani Merck.

Umabot umano ng walong milyon ang nasabing kasal dahil sa ayos palang ng mga bulaklak sa kanilang kasal ay inabot na ng dalawang milyon.





Kwento pa ni Merck na natapos nila ang kanilang kasal ng wala silang utang o anu mang problema at mayroon parin silang hawak na pera.



Inisa isa rin ng dalawa ang presyo ng bawat detalye ng kanilang kasal. 

Ayon kay Pam Rolex ang ibinigay niyang regalo sa kanyang asawa noong kasal nila at ito ay nagkakahalag umano ng 700k pesos.



"So kapresyo pala ng Rolex na bigay mo yung engagement ring" natatawang sagot ni Merck. Aniya umabot ng 740k ang engagement ring na binigay niya kay Pam.


Umabot naman umano ng halos isang milyon ang necklace at earings na regalo ni Merck sa kanyang asawa noong kasal nila.


Samantala umabot naman umano ng 230k ang wedding gown na sinuot ni Pam.


Sila rin mismo ang gumastos sa mga sinuot ng kanilang mga entourage. Anila pupunta na lamag sa lugar ang kanilang grooms men at bridesmaid at isususot nalang ng mga ito ang damit na inihanada para sa kanila.


Sinabi ni Pam na noong una ay simpleng kasala lamang ang gusto nila ni Merck. Ngunit nauwi ito sa magarbong kasalana dahil sa mga nakikita niya sa facebook.


Sinabi naman ng mag asawa na sulit naman ang lahat ng nagastos nila at masaya sila sapagkat silang dalawa ay kasal na.



Panoorin ang video ng dalawa.



Source: The Philippine Times
Author Image

About pinoy
Soratemplates is a blogger resources site is a provider of high quality blogger template with premium looking layout and robust design

No comments:

Post a Comment