Endorser na ngayon ng isang sikat na inumin ang bagong kapuso actress na si Bea Alonzo.
Sa pinaka huling post ni Bea sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres ang video at mga larawan sa naganap na photoshoot. Ipinakita sa mga larawan na siya ang pinakabagong calendar girl ng isang brand ng inumin.
Ayon sa aktres sa kanyang caption, “The secret is out! I am the TANDUAY CALENDAR GIRL 2022! Woohooo!! Thanks to my Tanduay family for the warm welcome”
Mapapansin sa mga video at larawan na ibinahagi ni Bea kung gaano kadaring ang mga ginawa niyang pose. Makikita rin na sobrang sê'xy ng kanyang mga outfit.
Kung kaya't upgraded Bea na ang nasilayan ng netizens sa video na iyon na umani ng iba't ibang reaksyon mula sa mga netizen.
At syempre hindi rin ito nakaligtas sa mga nangungunang showbiz insider at commentator ng bansa.
Sa episode ng Take It Per Minute Me Ganon, nina Lolit Solis, Cristy Fermin at Mr. Fu. Hindi nila naiwasang pag usapan ang tungkol sa pagmomodel ni Bea.
“IIsipin mo, big deal din iyon para kay Bea. Parang ‘tingnan mo,’ at my age,” saad ni Lolit.
At dito na nga nila sinimulang pag usapan na isang malaking karangalan kay Bea ang makuha bulang isang calendar girl ng Tanduay. Dahil umano mga sê'xy actress at mga modelo ang palaging nasa kalendaryo nito.
Sinabi pa nila na may edad na ang kapuso actress kung kaya't naghulaan ang tatlong host kung ilang taon na nga ba si bea.
Dagdag pa ng mga ito, dapat daw ay nag aasawa na si Bea sa kanyang edad ngayon. Dahil malapit na umanong magmenopause ang aktres.
Ayon kay Lolit, “Malapit na siyang mag-menopause noh, kaya dapat nagaasawa na siya.”
May ibinunyag pa ang kolumnista at sinabing tila ba talong aktor lang sa GMA ang gustong makatrabaho ni Bea.
At ito nga umano sina John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes at Alden Richards.
Narito ang episode ng Take It Perminute:
Source: The Philippine Times